Friday, October 27, 2023

Wag sayangin ang pagtitiwala.

Nakita ko yung nagkakalakal may sticker ng EZ works yung motor, natuwa ako tapos biglang naalala ko I check yung screenshot ng CCTV sa shop nung may nanguha ng mga drum namin na mangangalakal at walang paalam. 

Nalungkot ako kasi same yung motor na nasa CCTV at yung nakasalubong ko. Haharangin ko sana kaso nakangiti yung driver sakin. Kaya hinayaan ko nalang. 

Nung nag uumpisa ang shop, marami na kaming experience na may lalapit na magbobote tapos sasabihin ipapakilo ang mga bakal namin sa shop at ibabalik daw ang pera kasi nasa junk shop ang kilohan. 

Magtitiwala naman kami na babalik sila at may dagdag pang meryenda ang mga mekaniko na nag ipon ng bakal, kaso di na sila bumabalik. 😞 


- Yung ibang tao ay ituturing mo ng maayos, tutulungan mo at pagtitiwalaan mo pagkatapos ay makakalimutan lang lahat ng ginawa mo. 

- Minsan sila pa yung gagawa ng masama sayo kapag nakatalikod ka at minsan nakukuha pa nilang humarap at ngumiti pa sayo. 

Ang daming tao na pag binigyan mo ng pagkakataon at tiwala sasayangin lang dahil sa maliit na bagay/halaga.

Samantalang ako nung wala pang EZ Works lagi ko sinasabi kay misis:

“kapag may nagtiwala lang sakin, hinding hindi ko sasayangin. Kahit maging taga linis lang ako ng kotse ng mga mayamang tao, araw araw ipapakita ko na di sayang ang tiwala nila sakin.” 

Baka sakaling matuwa sakin at medyo makaranas tayo ng ginhawa sa buhay. 🙂

Moral lesson:

*Wag natin sayangin ang tiwalang binibigay satin 🙂

No comments: