Bumili ako ng isang set ng baso sa isang maliit na mall. Nagpa-assist ako sa isang sales lady na kunin sa estante ang napili ko. Aksidente niyang nabasag ang isang baso na nagkakahalagang P85.00. Inayos niya ang nabasag at nagpatuloy sa pag-assist sa akin. Ramdam kong napapaisip siya. Kaya sabi ko sa kanya, babayaran ko na lang ang nabasag. Sagot niya, “Okay lang po ba?”
“Okay lang. Ibabawas pa iyan sa araw mo. Hindi mo naman sinasadya.” sambit ko sa kanya.
Lumapit ulit siya sa akin at iniabot ang piraso ng basong nabasag.
“Salamat po talaga Ma’am. X10 po kasi ang charge nyan sa amin.” dagdag niya.
Nagulat ako sa X10 na charge. Dalawang araw niyang pagtatrabahuhan ang basong nagkakahalaga ng P85.00.
Gaano kalupit ang mga malalaking kapitalista sa mga manggagawa na sa kakarampot na sahod ay pagsasamantalahan pa rin sila sa maliit at minsanang pagkakamali?
Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundo. Maging mabuti naman sana tayo sa lahat ng uri ng tao.
No comments:
Post a Comment