Saturday, November 04, 2023

Di mo akalain...

May mga bagay na HINDI mo naman inisip na balak o gusto mong gawin.

Pero kapag nasubukan mo, na-realize mo…gusto mo pala.

Hindi ko inisip na gusto ko matuto mag swimming.

Nagsimula lang naman ito na ang mga anak ko eh gustong matutong mag swimming.

Dahil malapit lang kami sa mga swimming pools dito sa lugar namin (malaking bagay na din na mura ang entrance at cottage)

… nakaka practice mag swimming mga anak ko.


Pero napaisip kasi ako eh…

“uupo lang ba ako at manood sa kanila? Swim na din ah.”

Kaya eto, nagpapaturo ako sa 10-year old coach ko, daughter ko.


In fairness, kaya ko na talaga mag swim ng 2 meters.

At the age of 47 ay natuto pa ako.

Nawala na takot ko sa pool.

Breathing exercise muna…

Scissor’s kick muna ng nakaupo at nakadapa.

Langoy muna with board…

Then saka pa lang maglalakas loob na lalangoy without the board.

Napa “yahooooooo” ako sa tuwa.

Eh kasi naman nuon, lublog lang ng mukha sa pool ay pag-iisipan ko muna ng matagal with matching motivation pa para di ako matakot.

Aba ngayon, nag breathing exercise ako sa ilalim ng pool while inaabot ko ang floor.

Sabi kasi ni Coach Cosette, kasama daw ‘yun sa lesson.

Ayun, nakalangoy ng 2 meters ang layo hehe.

Pero need more practice kasi di ko kaya ang malayo sa 2 meters.

Sa susunod, lalaban na ako sa raising sa mga anak ko.

Ngayon eh kulelat pa ako…

Ito rin ang reason kaya medyo natigil sa biking at walking dahil gusto ko matuto magswimming…

Ako lang rin kasi ang di marunong magswimming eh. Kaya dapat matuto ako.

Kailangan mag-ipon ng energy dahil nakakapagod mag swimming sa edad na 47.

Nuon…sa aming 4, si Cosette lang di marunong magbike.

Nagtyaga akong turuan sya ng 2 weeks (everyday) for at least 30 mins per day.

Tagaktak pawis ko nuon dahil gusto itutulak ko pa s’ya nuon dahil takot din.

Aba ngayon, nagbabike gamit ang bike na malaki. Ako takot gumamit ng bike na di ko abot ang kalsada hehe.

It’s all about conquering our fears.

… at wala sa edad talaga sa isang tao na gustong matuto.

Happy Sunday po!

No comments: