On my way home last night, nag crave ako sa donuts 🥹 Munchkins na lang ang natira, and swerte naman dahil flavor ko yung nakuha ko. While I was waiting for my order, kinatok ng batang nasa picture yung bintana. So nag prepare ako ng barya para ibigay sa kanya, pero natuwa ako pag bukas ko ng bintana kasi imbis na manghingi siya ng pera, ang una kong narinig sa kanya “trick or treats po” . It made me smile in an instant. Sabi ko magtatapos na ang November, bakit yan parin? Wala daw kasi siyang pang Christmas na costume, kaya trick or treats parin kasi pang Halloween lang daw yung costume niya - Yung sanga na nasa ulo niya.
When the munchkins arrived, inabot ko na sa kanya yung lahat ng nabili ko and kaunting money. Hindi niya tinanggap yung pera, and binalik sakin yung isang bag ng munchkins. Sabi niya, ok na daw yung mga donuts. Maglilinis na lang daw siya ng sasakyan para may pera siya at akin na lang daw yung isang bag ng munchkins kasi kailangan ko daw kumain PARA HINDI DAW AKO MAMATAY. Sobrang lakas ng tawa ko! Pero after a while I realized, ito yung konsepto niya ng survival. Para “hindi siya mamatay”. Ang maghanap ng kakainin sa bawat araw at ang mag trabaho ng marangal (imbis na mag aral) para magka pera at maka kain at para “hindi siya mamatay” 💔
Sharing this encounter with you guys. I know and I am sure, kagaya ko, kailangan niyo rin marinig ito ❤️
No comments:
Post a Comment