TUMULUNG NAMAN!
Pag anak ka rin, kapatid, pamangkin, etc ng pasyente o may sakit o ng namatay, dapat tumulong ka. Huwag lang umasa sa ilang relatives na generous o "may kaya". May pananagutan ka rin. Huwag lumigtas o tumakas.
Pag may expense sa family na dapat pag-ambag-amabagan, lahat ay dapat tumulong; hindi lang yung "mayaman" o maluwag o generous --- or worse, yung "wala namang asawa/anak/pamilya." (Yun ngang walang pamilya ang hindi dapat laging pitasan para maka-save naman kasi nga, "walang sariling pamilya." Sino ang tutulong sa kanila kung sakali?)
Yung mga hindi tumutulong, niloloko ang sarili nila sa myth na "mayaman naman si ate" o "kayang-kaya naman ni kuya" o "eh wala talaga akong kaya."
In helping, every willing heart finds ways; every unwilling heart offers excuses.
Mga magkakapamilya:
Huwag laging asahan ang naasahan.
Huwag laging pagastusin ang gumagasta.
Huwag laging hingan ang nagbibigay.
Hindi como tahimik lang na nagbibigay ay kayang-kaya na nga o hindi dinaramdam.
Huwag mang-dedma ng family problems and needs at umasa na lang sa responsible relative. Everyone in the family must help, sa extreme abot-kaya.
"Talo" kasi ang responsable. Talo ang hindi nakakatiis.
"Panalo" ang mga nagmamang-maangan at nagbubulag-bulagan; lumiligtas sila sa gastos o pagod.
No comments:
Post a Comment