Thursday, September 19, 2024

Pagtitinda.

MAG-ASAWANG NAGSIMULA LANG SA 500 PESOS NA PUHUNAN, MILYONARYO NA NGAYON!


Nagsimula lamang silang mag-asawa sa limandaang puhunan bilang panimula ng maliit na negosyo sa pagtitinda ng nilagang mani. Hanggang sa paunti-unti nila ito napalago at nadadagdagan pa ng kwek-kwek, fish ball, kikiam at ng chicken skin. 

Doble kayod silang mag-asawa na kapwa hands-on sa pagtitinda at sa tuwing may kaunting kita, ipinandagdag nila ito ng iba pang pwedeng maitinda, hanggang naisipan nilang puro street foods para sa maghapon na kita at nagbukas sila ng bagong pagkakakitaan, ang fried chicken na sa gabi naman nila benibenta. 

Dahil sa hirap ng buhay, hindi sapat para kina Tricxie ang basta sipag at kumakayod lang, kaya nag-umpisa silang mag-ipon ng kahit paunti-unti para may mapagkukuhanan sila sa tuwing may mga pangangailangan sa kanilang maliit na negosyo.  

Nagsimula silang mag-ipon taong 2018, at matapos lamang ang anim na buwan na pagtatabi mula sa kita ng kanilang mga paninda, nakakuha na sila ng kanilang pangarap na sasakyan at may isang buwan nalang na bayarin ay fully paid na nila ito. 

Hindi sukat akalain ng mag-asawa na darating ang panahon na magkakaroon sila ng sariling sasakyan dahil sa pagtitinda lamang ng mga street foods.  

Dahil sa sipag, tiyaga at malakas na pananampalataya ng mag-asawa sa Diyos, nadagdagan pa ng isang Burger Stall ang kanilang negosyo. Kaya naman nakapagpundar ulit sila ng isa pang property, nakabili sila ng 200sqm na lupa at planong tatayuan balang araw ng kanilang dream house. 

WATCH👉: https://tinyurl.com/42ybnz8s

Credits-to-the-owner

No comments: