Sunday, February 19, 2006

SEARCH for BARANGAY MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION IN EVERY BARANGAY IN THE PHILIPPINES.

Greetings to the more than 42,000 Barangays in the Philippines: Chairman, Kagawad, Tanod and other officials and their constituencies. Nais naming imungkahi ang SEARCH for BARANGAY MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION IN EVERY BARANGAY IN THE PHILIPPINES.

Sa programang "Capitan Tony Arevalo: Capitan del Barrio" sa DZXL tuwing Sabado simula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon kasama namin sina Dr. Cosio, Pastor Nelson, Mike Borlaza, Dean Judith Secusana, Chairman Boogie at iba pang mga kasamahan sa pagtalakay ng mga iba't ibang isyu na may kinalaman sa Barangay: peace and order, social issues/problems, kabuhayan at kahirapan, kalusugan at mga karamdaman, housing, education, employment, etc.

1. Ang pagkain ng wasto at sapat ay susi ukol sa kalusugan at pag-iwas at gamot sa malnutrition at iba't ibang uri ng mga sakit. Kung ito ay iuugnay sa mga barangay, malaki ang magagawa ng mga opisyales ng barangay at mga mamamayan ukol sa production, processing, marketing.

2. Ito ang batayan ng aming mungkahi na magkaroon ng BARANGAY SEARCH FOR MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION. Ang pinakagabay ukol sa paghahanap ng modelong ito ay dili't iba kundi ang awit na "Bahay Kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari..." At ang mga tanim ay "Singkamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani...kundol, patola, upo't kalabasa, at saka mayroon pa: labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya...sa paligid-ligid ay puno ng linga."

Sikapin na maitanim ang 18 gulay at magdagdag ng iba pa...okra, ampalaya, sili, saluyot, alugbati, talinum, kadios...

3. Paligiran ang lote ng bakod ng malunggay, kamoteng kahoy, papaya, bayabas, sampalok, bignay at kamias. Magtanim din ng kamoteng baging, kangkong, sili at gabe para may talbos na maaani sa araw-araw.

4. Gumawa ng Balag para sa mga gulay na gumagapang o umaakyat: Singkamas, sigarilyas, sitaw, bataw, patani, kundol, patola, upo, kalabasa, alugbati, ampalaya.

5. Nursery ng mga seedlings: niyog, mangga, langka, guyabano, santol, sampalok, duhat, kamias, bayabas, kalamansi, suha, dayap, abokado, banaba, kasoy, macopa, balimbing at iba pang fruit trees at gulay.

6. Magtanim din ng mga halamang gamot o herbal medicine na maaring gawing tsaa o agua tiempo: alagaw, pandan, tanglad (lemon grass), basil, oregano, sambong, ikmo, lagundi.

7. Magtayo ng Seed Dispersal Center para sa mga nangangailangan ng mga buto ng gulay at ibang pananim. Ito ay mapagkakakitaan ng mga taga-Barangay o subdivision.

8. Launch a Campaign for Seed Dispersal in Vacant Lots where no cultivation is needed. Simply disperse or scatter seeds such as saluyot, papaya, malunggay, patola, kundol, kangkong, acapulko, atbp.

9. Magtanim din ng mga mababango at bulaklaking halaman...sampaguita, ilang-ilang, rosal, kamia, gumamela, champaca, bougainvilla at orchids, dama de noche.

10. After one year, conduct a contest as to the BEST MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION GARDEN/FARM in the BARANGAY... And give awards and citations for the chosen ones. Get sponsors and donors for the special event. Invite us as judges and join the awards ceremony.

11. Kung kayo ay mayroong proyekto sa inyong Barangay na MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION, ipaabot at ipaalam sa amin sa pamamagitan ng sulat, telepono, email. At kung kayo ay malapit-lapit sa Metro Manila at aming maaabot at madalaw upang ating maikuwento at maibalita sa radyo at maisulat ito sa diaryo.

12. Kaya nga samahan na ninyo kami sa Radyo at Diaryo sa BARANGAY SEARCH FOR MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION.

13. Marahil ang unang nasa isip ng marami, ito ay isang contest o timpalak at tayo ay mamamahagi ng premyo. Ito ay sisikapin natin na mabigyan ng recognition ang mga Barangay na umabot sa pamantayan ng BARANGAY SEARCH FOR MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION. At ihahanap ng mga sponsors and donors na mapapakinabangan ng inyong Barangay at mamamayan.

Gayundin, inyong isaalang-alang na sa paggawa at pagsasakatuparan ng proyektong ito ay panalo na kayo at ang inyong Barangay. Mayroon kayong Modelong pamamarisan at gayundin naman ay mayroon kayong mapagkukunan ng pagkain, gamot at kabuhayan.

For information call/contact: DZXL "Capitan Tony Arevalo: Capitan del Barrio" Saturday, 4:00-6:00PM Tel. 631-5857/631-5877
CARICA HERBAL HEALTH GARDEN, The Health Plant Collection 25 Gil Puyat (Buendia) corner Bautista, Barangay Palanan, Makati City.

Telephone: 729-1508/729-4447/Ramon Tan - 0917-623-2330/Marivic Villanueva - 0906-2272-410/Rodel Quilao - 0921-757-5867/Ed Savares 0919-8168703/Pepz Cunanan - 0922-8830696/Belle Pagtakhan 0919-4615441/Arjeen Diaz 0927-8776148/Mel Sanchez 0918-5179859/Sarita Lopez 0918-2795101/E-mail: caricaphil@yahoo.com/pcunanan@gmail.com/pepz2002@yahoo.com
LIBRENG SEMINAR ON VIRGIN COCONUT OIL: Every MONDAY TO SUNDAY. 8:00 AM to 5:00 PM: Also DAILY DISPLAY, DEMONSTRATION, SALE OF VIRGIN COCONUT OIL and HERBAL HEALTH PRODUCTS & EQUIPMENT/MACHINES CARICA Livelihood and Entrepreneur Assistance Program (C-LEAP) Business Center 25 Gil Puyat (Buendia) corner Bautista, Barangay Palanan, Makati City. Phone: 729-1508/729-4447.


SIGLA: ORIGINAL FILIPINO EXERCISE FOR WELLNESS & STRESS MANAGEMENT of BODY, MIND & SPIRIT.


Demonstration & Workshop at C-LEAP Center, 25 Gil Puyat (Buendia) corner Bautista, Barangay Palanan, Makati City: Call/contact J.P.M. Cunanan - Proponent 0922-8830696;

pcunanan@gmail.com/pepz2002@yahoo.com/Dean Judith J. Secusana - Asian Summit College - Sigla Consultant - 0920-2877339 judithsecu@yahoo.com/Leny D. Lopez-Dee, Manager Lunas Natural Healing and Wellness - Tel. 729-4448/0916-4597384.



Part II.

Greetings to the more than 42,000 Barangays in the Philippines: Chairman, Kagawad, Tanod and other officials and their constituencies.

Nais naming imungkahi ang SEARCH for BARANGAY MODEL BAHAY KUBO FOOD PRODUCTION IN EVERY BARANGAY IN THE PHILIPPINES.

Sa panahon ng krisis sa pagkain, kalusugan at kabuhayan, magandang magkaroon tayo ng modelong pamamaraan ng paghahalaman na pantugon sa mga ito. Isang simpleng gabay ang ibinibigay ng awit na "Bahay Kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari..."
Kung bibigyang pansin natin ang pamamaraan ng ating pagtatanim, marami ang nahihilig sa tinatawag na Mono-cropping...ito ay ang pagtatanim ng iisa o iilang uri lamang ng pananim. At ito ang siyang naging direksyon ng mga may hacienda o plantation ng tubo, palay, mais, saging, pinya, orchids o mga bulaklakin. At maging sa pagtatanim ng mga gulay ma malakihan ay puro kamatis, repolyo, carrots, patatas. At ang layunin ng pamamaraang ito ay commercial: mamuhunan ng malaki, kumita ng malaki at kung malugi ay malaki rin.

Ang modelo ng Bahay Kubo ay nagpapaalaala sa atin ng pagtatanim na ang halaman doon ay sari-sari... Ngunit madalas ang ating pagtatanim sa kapaligiran ng ating mga bahay (na hindi na kubo) ay mga halamang ornamental, bulaklakin. At nakabubusog ng mata, ngunit hindi naman pagkain at gamot na ating kailangan sa pang-araw-araw. Marahil ang kailangan natin ay hindi malalaking taniman na seasonal o pana-panahon, kundi taniman na palagiang may mga maaaning talbos, ugat, dahon, bulaklak, bunga, buto na magagamit sa araw-araw at buong taon.

Isa sa magandang pamarisan natin ay ang binansagan naming "PINAKBET GARDENING" ng mga Ilokano. Magtatanim tayo na ang layunin ay maisama ito sa mga lulutuing ulam o pagkain. Magtala tayo ng mga sangkap na gulay na iluluto: talong, ampalaya, sitaw, kalabasa, malunggay, kamote, saluyot, sili, okra, sigarilyas, bunga ng singkamas, luya, bawang, sibuyas, kamatis...At ang kailangan na lamang natin ay ang bagoong isda na pampalasa, pampasarap. At kung mayroong karne o inihaw na isda, enjoy tayo sa masarap at masustansyang pagkain...At siya marahil sikreto ng mga Ilokano sa kanilang kalakasan, kalusugan, kasiglahan at mahabang buhay. At bukod sa may maipamimigay o mahihingi ang mga kapitbahay at kamag-anak, ito ay maibebenta sa palengke o talipapa.

Ang "PINAKBET GARDENING" ay ginagawa ng mga Ilokano maging sa pagdayo sa ibang lalawigan sa Mindanao (Cotabato, Saranggani, Bukidnon, Davao, atbp.) at Visayas at sa aming paglalakbay maging sa Amerika-California, New York, atbp. ay nakagawian na nila ang pagtatanim ng gulay na kinagisnan.

Nais naming itanong sa ating mga kababayan kung may alam sila na pamamaraan ng pagtatanim na matatawag namang "Kapampangan Gardening", "Tagalog Gardening", Bicol Gardening", "Ilongo Gardening", "Cebuano Gardening", "Visayan Gardening", "Mindanao Gardening".

Kung ipadadala ninyo ito sa amin ay ating ilalathala ang mga ito upang mahikayat ang iba sa kanilang pagtatanim.

Ang pamamaraan na itinuro ng mga Chinese ay ang "Chop Suey Gardening" na nagtatanim ng iba’t ibang gulay na pangsahog sa chopsuey: repolyo, bellpepper, pechay, lechugas, chicharo, baguio beans, carrots, atbp. Maaari rin tayong magtanim na matatawag nating: "Kare-kare Gardening" o "Sinigang Gardening" o "Bicol Express Gardening" o "Tinola Gardening"...

Kung ating mahihikayat ang ating mga kabarangay sa kanilang pagtatanim sa palibot ng kanilang mga bahay ng mga gulay na ito na kanilang mapipitas at magagamit sa pang-araw-araw na pagluluto at pagkain, malaki ang magiging pakinabang. Makatitipid at bawas gastos at hindi na kailangang bumili sa palengke. At sigurado tayo na walang chemicals, pesticide at fertilizer, na maaring pagmulan at magdulot ng sakit, gastos at problema sa atin.

1 comment:

jpicbanugsulu said...

hello po.. Ako po ay c fadzrama Daud from Jolo Sulu. Isa po aku sa mga nabigyan ng oportunidad na nabigyan ng training on balag technology last 2003. Hanggang ngayon po ang balaga technology ay patuloy na tinuturo namin sa communidad. Malaki po ang naitulong ng balag technology sa kabuhayan ng mga taga sulu..hindi lang dahil sa kakulangan ng pagkain kunti nakakatulong din e2 sa antas ng kanilang kabuhayan.