Sunday, February 26, 2006

Una-una lamang tayo, Paghandaan huling sandali

Una-una lamang tayo

When I must leave you for a little while Please do not grieve and shed tears, And hug your sorrow through the years, But start out bravely with a gallant smile. And for may sake and in my name. Live on and do all things the same, Feed not your loneliness on empty days. But fill each waking hour in usefull ways, And never, never be afraid to die, For I am waiting for you in the sky!

Ang makatang sumulat ng tula sa itaas ay si Helen Steiner Rice.
Nabasa ko ang talambuhay ni Helen. Napakalungkot ‘pagkat nabiyuda siya nang maaga. Natutukan niya ang pagsusulat ng magagandang tula. Nabibigyan niya ng buhay at sigla ang bawat linya ng kanyang sinusulat. Malaman at may mensahe lagi katulad ng maysakit na malapit nang kunin ng Panginoon ang kanyang buhay.

Pinapayuhan niya ang kanyang mga mahal na huwag ipagdalamhati ang kanyang pag-alis. Magpatuloy sa araw-araw na buhay. Isang araw kapag ang kanyang mahal ang aalis ay sasalubungin niya ito sa kabilang buhay.

Noong nakaraang linggo ay tumunog ang aming telepono. Long distance call, ang tumawag ay ang pamangkin kong dalaga na nasa States.

Malubha ang kaisa-isang kong kapatid na babae, si Azon. Sumunod siya sa akin. Alam kong nasa intensive care unit si Azon, may limang anak na malalaki na. Ito ang malungkot na tanong ni Isay, kanyang anak:

"Auntie Belle, ipinatatanong ng Papa kung papayag kang tanggalin ang respiratory machine o vibrator. Lahat ng complication sa diabetes ay number four, last stage – sa kidney, sa puso at sa lungs. Ngunit Auntie, pinipisil pa niya ang aming braso.
"Huwag ninyong alisin. Hindi ako sang-ayon na tanggalin ang respiratory machine. Pandugtong iyan ng buhay. Parang tayo na rin ang pumatay sa kanya. Sumundo ka ng pari. Hatinggabi ngayon diyan. Puntahan mo ang pinakamalapit na simbahan. Lalagyan siya ng Holy Oil. Bibindisyunan siya. Bubuti ang kanyang pakiramdam. Ang mga pari ay may sinumpaan. Kapag pinasundo sila dahil kailangan sila ng malubhang maysakit ay dapat silang sumama. Isa iyan sa tungkulin nila na hindi maaaring biguin."
Tumawag si Isay muli. Isang Amerikanong pari ang kanilang sinundo. Hindi nila kilala ang paring ito. Ang oras sa kanila ay ala-una ng madaling-araw.

Sang-ayon sa ipinagtapat sa akin ni Isay – pagkaraan ng isang oras ay gumanda na ang pakiramdam ni Azon.

Minulat ni Azon ang kanyang mga mata. Ngumiti siya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng bawat anak at sa kanyang kabiyak.

Inaalis sa araw ang respiratory machine. Nakahihinga na siya ng normal. Purihin ang Diyos! Sa gabi lamang inilalagay ang respiratory machine. Mahirap makaligtas sa kanyang kalagayan. Diyos lamang ang nakakaalam.

Sa hiram na buhay ng Poon ay may taning tayo. Iisa ang katotohanan – tayo’y una-una lamang.



Paghandaan - huling sandali


God has already fixed the year, the month, the hour, and the moment when you and I are to leave this earth and go into eternity but the time is unknown to us.
Iyan ang pahayag ni Alphonsus de Liguori hinggil sa ating kamatayan.

Tayo’y mga turista lamang sa mundo. Iyan naman ang wika ni Elorde noong may sakit na siya ng kanser. Nakahanda siya at tinanggap niya nang maluwag sa puso ang kanyang kamatayan. Totoong mabait ang Diyos sa kanya ‘pagkat nakapaghanda pa siya bago siya tinawag.

Ang mga taong takot sa Diyos ay ayaw pang mani-wala sa katotohanang may hangganan ang kanilang buhay. Kaugnay nito’y isang kuwento na ating narinig noon:

Isa sa mga tauhan ng hari ang pinagsabihang naroon si Kamatayan sa hardin ng palasyo at siya ay hinihintay. Ang ginawa ng taong ito ay nagdaan sa likuran ng palasyo. Hiniram ang isang kabayo ng hari at mabilis na nagtungo sa Baghdad.

Pagdating niya doon, naroon na si Kamatayan, naka-ngiti at nakaabang. Ito ang sinabi sa kanya. "Talagang dito kita yayakagin kanina ngunit hindi mo ako binigyan ng pagkakataong sabihin ito sa iyo…."

Maaari ba tayong mabuhay ng higit pa sa 150 taon? Maaari ba tayong magpakaligaya at gumawa ng kasalanan at saka na ang pagsisisi? Harapin natin ang katotohanan.
Minsan lamang tayo isilang. Minsan lamang tayo mabuhay. Iisa ang ating kaluluwa na ang tutunguhin ay walang hanggan. Hawak ba natin ang ating buhay? Hawak ba natin ang "bukas"? Hindi ba masarap lumisan sa daigdig na may ngiti sa labi at walang luha sa ating mga mata?

Ito’y nangangahulugan na tayo’y nakahanda. Hindi sa huling sandali ay tumatawad pa ng ganito: "Saka mo na ako kunin, Lord, parang awa Mo na sa akin…."
Lagi nating gunitain kung paano, kailan, saan at ano ang ikinamatay ng ating mga mahal sa buhay. Itanong natin ito sa ating sarili: Nakahanda ba ako? Marami pa ba akong dapat itumpak at pagsisihan.

Sinabi ni San Agustin: Give up your sins….

Nilay-nilayin natin: Ilang taon na ba ako ngayon? Kung ang aking "Candle of Life" ay tatagal ng 70, ilang taon pa ang natitira? Kung wala akong taglay na sakit ngayon at pag-iingatan ko ang aking kalusugan at hindi maaksidente, ilang taon pa ang ilalagi ko sa mundong ito? Bago ipakita ng Diyos ang "flashback", ako na muna ang gagawa ng sarili kong "flashback" habang ako’y buhay pa. Kailangang itumpak ko ang aking buhay.
Anu-ano ang dapat kong pagsisihan? Paano ako makikipag-ugnayan sa Kanya? Kailan ko gagawin ang aking Prayer Time?

Marahil panahon na upang tayo’y magpasagip sa ating Dakilang Tagapagligtas. Mababasa natin sa Biblia: SON, OBSERVE THE TIME. Laging handa. Ito ang motto. Sa kabilang buhay, walang relos o kalendaryo. Iyon ang magpakailanman.

Anong sarap mamatay sa grasya ng Panginoon. Noong namatay ang kardinal ng Rochester, nasambit niya: "Te Deum" sapagkat siya’y maligaya noon.

Samantala, si St. Francis Assisi ay umaawit sa huli niyang mga sandali.

Narito ang pangako na nakasulat sa Biblia sa mga mamamatay na may malinis na puso:
God shall wipe away all tears from your eyes and death shall be no more.



Habang may buhay


"I had to die in order to learn how to live. God had to take my life away long enough to teach me how to use it."

Ito’y ipinagtapat ni Betty Malz kay Catherine Marshall. Namatay ng ilang saglit si Betty noong July 31, 1959. Nag-long distance ang nurse sa ina, si Mrs. Perkins, upang ibalita noon na namatay na ang kanyang anak na si Betty.

Isa lamang si Betty Malz sa daan-daang tao sa daigdig na namatay ng clinical death – nagbalik muli ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.

May anim na duktor, isang propesor at isang pari ang gumawa ng kani-kanilang interbyu sa mga taong nabuhay muli. Nabuhay kaya sila dahil sa himala?

Ang gumawa ng masusing pananaliksik ay sina Dr. Elizabeth Kublar Ross, Fr. Hervert Thurson, Dr. Robert Crookell. Bawat isa sa kanila ay gumawa ng pakikipanayam sa maraming taong pinagkalooban ng pangalawang buhay. Sumulat sila ng mga artikulo at aklat na hango sa kanilang pananaliksik.

Narito ang ilang siniping-sabi mula sa kanilang sinulat. Pinagsama-sama ang mga ito ni Ian Currie sa kanyang aklat "You Cannot Die".

"Is there really, then, a ‘day of judgment’ after death? The answer seems, incredibly enough. To be ‘yes’ except that it doesn’t last a day. Instead, it take just seconds."

"The ‘being of light’, after asking the dying person to assess his life, helps him to do this in the most practical way possible by showing him a ‘more of it, an astonishingly vivid depiction of his own past’."

Ito ang pagtatapat ng isang taong nabuhay muli:

"When the light appeared the first thing He said to me was: ‘What do you have to show Me that you’ve done well with your life?’ And that’s when these flashbacks started. The things that flashed back came in order of my life, since childhood and they were very clear. It was like a film of my life."

Ipinaliwanag ng mga mananaliksik na batay sa kanilang interbyu hinggil sa mga nag-suicide:

"If you live here a tormented soul, you will be a tormented soul over there, too. And that is an everlasting life."

Mapalad tayong buhay pa sa kasalukuyan. Ang sulyap sa "kabilang daigdig" ay kapupulutan ng magagandang aral ‘pagkat hindi pa huli. Ha-bang buhay pa tayo’y makipag-ugnay sa Kanya. Gumawa ng pawang buti sa kapwa. Ito lamang ang tanging madadala natin sa kabilang buhay.

No comments: