by Bella Angeles Abangan
To forgive wrong darker than death of night,
To defy power, which seems omnipotent;
To love, and bear till Hope creates,
From its own wreck the thing it contemplates;
Neither to change, nor falter, nor repent;
This, like your glory Lord, to be,
Good, great and joyous, beautiful and free;
This is indeed, Life, Joy, Heaven and Victory.
Sacrifice is the key.
Iyan ang tula na may mensahe para sa lahat na mga gustong sumuko. Ang tula ay sinulat ni Percy B. Shelley.
Libo-libung padre at madre de pamilya ay iisa ang suliranin: paano paghuhustuhin ang kita sa hanapbuhay.
Sa mga namamasukan na maliit lamang ang kita ay paano gagawin kung wala ng maipamasahe. Ito ang wika ng isang misis na empleyado.
"Tibay ng loob, sipag at pananalig ang tanging makakalunas sa problema sa kabuhayan."
Narito ang isang istorya ng isang misis na nawalan ng trabaho ang kanyang mister ay puro paglalasing na ang hinaharap. Ang apat nilang anak na nasa elementary at haiskul ay manhid ang pandama sa kanyang karaingan.
Sabado ng gabi. Naroon na silang lahat sa bahay. Alas otso na ng gabi ay hindi pa naghahapunan. Tinawag ni Marina ang lahat niyang mga anak at asawang umuwi na di-lasing. Naroon silang lahat sa silid-tulugan nilang mag-asawa.
"Ikinalulungkot kong ibalita sa inyo na hindi ako nakadelihensiya kanina ng ating hapunan. Uutang sana ako sa aking kapatid ng pambili ng bigas. Huling saing ko na kaninang tanghali. Naipagbili ko nang lahat ang aking mga alahas. Hindi na ako umutang sa aking kuya pagkat nagparinig ang aking hipag na sila rin ay kapos. Papapiliin ko kayo ngayon sa dalawa kong proposal. Ang una ay payagan ninyo akong pumasok na domestic helper. Sabi ng bestfriend ko may opening sa Hongkong. Pinsan ko ang recruiter. Ang pangalawa ay kailangang kumilos kayong lahat upang tulungan ako."
Sabay-sabay ang sagot nilang lahat:
"Ayaw naming maging domestic helper kayo. Tutulong kaming lahat."
"Sige, magpulong kayong lahat kung paano tayo magtutulungan. Kulang ang kita ko sa pagtitinda sa sidewalk ng prutas sa Divisoria. Aalis muna ako at baka makautang ako kay kumareng Belen."
Nakatungo si Ruben, ang lasenggong asawa na nawalan ng pag-asa sa buhay. Alam ni Ruben na iyon na ang simula ng kanyang pagbabagong buhay. Hindi niya matiis na malayo si Marina. Mahal niya ang kanyang kabiyak, ang lahat-lahat sa kanyang buhay.
Buhay natin sa mundo ay pakikipagsapalaran. Kailangan ang pagkakaisa ng buong pamilya. Naroon sa ating puso ang pag-asang mahahango rin tayo sa kahirapan.
No comments:
Post a Comment