"Elsa, bangon ka. Bilisan mo."
"Bakit Carding? Ano’ng nangyari?"
"Sumasakit ang dibdib ko. Dalhin mo ako sa doktor."
"Ha? Baka pagod lang iyan. Mam’ya, ipagtitimpla kita ng calamansi juice. Tsaka uminom ka nang uminom ng tubig. Maaalis iyan."
"Hindi. Ibang klaseng sakit ito. Mas matindi. Sabihin mo kay Pastor Laxa, siya muna ang manguna sa service mamaya. Hindi ko kayang magsalita ng matagal."
"Carding, magsabi ka nga nang totoo. May inililihim ka ba sa akin?"
Ipagtatapat ko na... sa iyo. Nagpa-check-up ako nu’ng isang linggo. May nakita silang bukol sa baga ko. Kanser, Elsa... stage 4."
"Ano?! Bakit gano’n? Carding, hindi yata tama. Naglilingkod ka sa simbahan. Halos buong buhay mo ibinuhos mo na sa pagsisilbi sa mga tao. Tapos ikaw pa ang tatamaan ng grabeng sakit? Hindi tama. Hindi makatarungan, Hu-hu-hu."
"Huwag kang ganyan. Huwag mong isisi sa Diyos ang mga nangyayari. Magtiwala tayo. Hindi Niya tayo pababayaan."
"Pero pa’no kung kunin ka Niya sa ‘min? Pa’no na ang mga bata? Pa’no kami mabubuhay? Hindi ko yata kaya. Hindi. Hindi ko kaya."
Maraming tao ang nagtatanim ng galit sa Diyos dahil sa mga mapapait na karanasang dumarating sa kanilang mga buhay. Tulad ni Carding, may mga tinatamaan ng grabeng sakit. O kaya’y namamatayan ng isang mahal sa buhay. O kaya nama’y nasusunugan ng bahay. O nalulugi sa negosyo.
Sa lahat ng mga pagkakataong nabanggit ay may isang mahalagang mensahe ang Bibliya. Basahin natin ang nakasulat sa Roma 8:28, isa sa mga popular na talata ng Banal na Kasulatan:
"At nalalaman natin na sa lahat ng bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa Kanyang layunin..."
Ang mga salitang ito’y madalas mabigyan ng maling interpretasyon. Maraming beses na itong "binatak" para masakop ang mga bagay-bagay na hindi naman nito sinasabi. Subalit ang tamang paraan ng pagpapaliwanag ng kahulugan nito’y mababasa sa mga talatang sumusunod dito:
"Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, o ang kapighatian, o ang pag-uusig, o ang taggutom, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? Ngunit sa lahat ng mga bagay na ito, tayo’y higit pa sa mga nagtatagumpay sa pamamagitan Niya na sa atin ay umiibig. Sapagkat ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, ni ang buhay, ni ang mga anghel, ni ang mga pinuno, ni ang mga bagay sa kasalukuyan, ni ang mga bagay na darating, ni ang mga kapangyarihan... ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na kay Cristo Jesus na Panginoon natin" (Roma 8:35, 37-39).
Mula sa mga salitang ito ng Apostol Pablo ay malinaw na hindi niya ipinapangakong magaganda o mga masasayang pangyayari lamang ang dadaan sa buhay ng isang tapat na naglilingkod sa Diyos. Bagkus ay sinasabi niyang kahit ang mga mahihirap na pagsubok na nakalarawan sa mga talatang nabanggit ay maaaring gamitin ng Diyos sa Kanyang pangkalahatang planong tiyak na ikabubuti ng Kanyang mga tunay na anak. Ang isang klasikong ehemplo nito ay ang bansang Israel. Ang Bibliya ay nag-uumapaw sa mga magagandang pangako ng Diyos para sa lahing ito - ang lahing Kanyang pinili upang ipaunawa sa buong mundo ang katotohanan ng Kanyang mensahe ng kaligtasan. Subalit kung titingnan mo ang Israel ngayon, walang puknat ang gulo sa loob ng maliit na bansang ito. Pinaliligiran pa ito ng mga bansang may galit dito.
Ang lahat ng pinagdadaanan ng Israel mula pa noon hanggang ngayon ay may kinalaman sa mga plano ng Diyos para sa bansang ito pagdating ng mga huling araw na nakahayag sa huling aklat ng Bibliya. Kaya’t makatitiyak tayong magkakaroon ng pagliligtas ng mga Israelita sa tamang panahong Diyos lamang ang nakakaalam. At tulad din ng bansang Israel, ang mga tunay na anak ng Diyos ay makakaasang inihanda ng Diyos ang takdang panahon ng paghahayag ng Kanyang mabuting plano para sa kanila. Katapatan lamang sa paghihintay ang hinihiling ng Panginoong Jesus bilang kapalit. Kaya’t manalig tayo.
***

No comments:
Post a Comment