1. Maghalo ng saktong coconut oil at 1 kutsarang walnut powder para makagawa ng thick paste. Gamitin ito na pang-exfoliate ng maitim na tuhod at siko 3 beses sa isang linggo.
2. Maghalo ng juice ng 1 lemon at 1 kutsarang honey. Ipahid ito sa siko at tuhod at iwan ng 20 minuto bago banlawan.
3. Maghalo ng magsindaming asukal at olive oil para makagawa ng paste. Ipahid ito sa tuhod at siko at kuskusin paikot sa loob ng 5 minuto bago banlawan ng mild soap at mainit na tubig. Gawin ito 1 beses sa isang araw.
4. Gumawa ng paste mula sa 1 kutsarang gatas at baking soda at ipahid ito ng paikot sa siko at tuhod sa loob ng 3 minuto. Banlawang maigi ng maligamgam na tubig at punasan.
5. Magpahid ng aloe vera gel sa siko at tuhod at iwan ng 20 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
6. Masahihin ng paikot ang siko at tuhod gamit ang pinainit na almond oil sa loob ng 5 minuto bago matulog sa gabi.
7. Kuskusan ng hiniwang pipino ang tuhod at siko sa loob ng 10 minuto. Iwan ng 5 minuto bago banlawan ng malamig na tubig.
No comments:
Post a Comment