Wednesday, November 27, 2019

Pag aaral.

Pinag-aralan ko po ang pag-iisip ng mga pasyente ko sa mahabang panahon.

At ito po mga napansin ko:
* Alam naman nila sagot tinatanong pa nila.
* Hihingi ng payo hindi naman susundin.
* Malinaw ang paliwanag pero malabo pa rin sa kanya.
* Pag tinuruan sasabihin alam na nila pero magtatanong sa iba “ano nga daw yun?”
* Sinisi na lahat sa hindi niya paggaling ngunit nalimutan sisihin ang sarili.

Halimbawa:
* Dok ano ba dapat gawin tumataba kasi ako? (Hindi niyo alam? Weh...)
* Mataas cholesterol ko ano ba dapat iwasan kainin? (GsKers ano sagot?)
* Alam na bawal magyosi, panay yosi pa rin. (Di ba totoo naman?)
* Sinabihan inumin ng 2x a day after meal, tatanungin ako kung kailangan kumain muna. (Minsan sasabihin ginawang once a day lang. Bakit yun ba instruction ko?)
* Di pa ako tapos mag magpaliwanag sasabat “ah alam ko na yan dok” tapos paglabas ng room ko tatanungin kasama niya o staff ko “para saan ba yang nireseta ni dok?”
* Maintenance drugs dapat inumin araw-araw habambuhay. Tanong nila, “Kailan ititigil inumin?”
* Magrereklamo na walang kwenta yung doktor niya; walang kwenta yung gamot pero never maririnig na wala siyang kwentang pasyente.
* Bawal umihi dito. Super panghi nung lugar.

Kaya ngayon, ganito na po...
Reverse psycholgy.

Pag-inum ng maintenance na gamot:
Inumin habambuhay...
Palitan ko ng “Inumin hanggang mamatay!” (Sabagay pareho lang yung hanggang buhay at hanggang mamatay.) 🥴

Huwag tumawid dito!
Palitan yan ng “Tumawid nang makalawit ni Kamatayan.” 💀

Bawal umihi dito!
Umihi dito para maputulan! ✂️

Ha Ha Ha 😊

No comments: