Bigyan ko po kayo ng simpleng paliwanag tungkol sa "immune system and cancer cells". Basahin niyo po maigi at paki share sa iba. Maraming salamat po.
Lahat po naman tayo pamilyar sa blood test na CBC (complete blood count), isa po sa inaalam sa test na yan ay yung bilang ng WBC o white blood cell. Ito ang mga sundalo ng ating katawan laban sa mga bacteria, virus, at iba pang kalaban tulad ng cancer cells.
Yung specific na uri ng WBC na tinatawag na MACROPHAGES ang literal na kumakain ng mga invaders at bulok na cells ng ating katawan tulad ng cancer. Ang tawag sa prosesong ito ay PHAGOCYTOSIS. Parang pacman na kinakain ang mga kalaban.
Isa sa mga MACROPHAGES ay yung tinatawag na DENTRITIC CELLS. Yan ang pinakamabagsik laban sa cancer cells.
Noong bata pa tayo madami tayong malalakas na DENTRITIC CELLS kaya hindi makaporma ang kanser at iba pang kalaban ng katawan.
Sa pagtanda (sa paghina ng immune system dahil sa stresses ng buhay; kulang sa tamang sustansiya ng katawan; maling pagkain; sobrang pagod at hindi sapat na pahinga; kawalan ng maayos na pagtulog; walang ehersiyo; exposure sa polusyon sa tubig, hangin, pagkain; mga kemikal na toxic; bisyo tulad ng sigarilyo, alak o droga at iba pang nagpapahina ng naturaleza o immune system) unti unting humihina at nababawasan ang bilang ng DENTRITIC CELLS at dahil dito nakapoporma ang cancer cells at dumadami at kumakalat hanggang magdulot ito ng mga sintomas at senyales ng pagbabago sa ating katawan.
Please "like" kung naiintindihan niyo po ito. Please share kung gusto niyong makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman tungkol sa immune system at cancer.
Maraming salamat po.
No comments:
Post a Comment