Just sharing...
Nagulat ako sa kwento ng friend kong doktor last year tungkol sa policy ng ospital na kung saan siya connected. Kanina parehong istorya narinig ko sa aking dentista.
Sang-ayon sa kanilang dalawa para magkaroon ka ng clinic sa loob ng ospital may mga requirement. Una, syempre may credentials at connection ka. Pangalawa, it's either you buy shares of stocks from the hospital or pay a huge monthly rental. Pangatlo, dapat madami kang pasyente at may monthly hospital admission quota (at least 10). Pag surgeon ka dapat may minimum monthy use ka ng operating room (at least 10). Pang-apat, all procedures, laboatory exams and diagnostic test dapat doon sa ospital ipagawa.
If all private hospitals have such policies healthcare in our country will definitely be so expensive. Not only that, we will now have second thoughts if the health condition really needs special diagnostic test or procedures and if it warrant hospitalization.
Tsk tsk tsk. Kaya pala konting lagnat, ubo't sipon at panghihina agad agad na for admission ang advice ng doktor. Konti hyperacidity pinapaconfine at sasabihin na for observation baka appendicitis at baka pumutok. Konting sakit ng ulo for CT Scan o MRI agad. Wag naman sana na konti sakit ng dibdib straight sa operating room at quadruple bypass agad... now na!
May alam nga ako may ingrown sa big toe pina-admitted ng doktor.
Sad reality po pero syempre as a patient or relative of the patient gagawin natin lahat para di lumala ang karamdaman at para gumaling. Sana lang trustworthy ang doktor natin.
Itong sharing na ito ay para aware kayo na may ganun. Pero hindi ko po sinasabi na ganun lahat ng hospital. Siguro mga mailan-ilan lang po naman. About 90%? Maybe yes or maybe not.
Special Message
Dear Fellow Doctors,
Pag di kayo ang tinutukoy wala dapat intindihin sa post na ito. Mas dapat matuwa kasi ang layunin nito ay maging aware tayong lahat at mga loved ones natin na may mga ganitong nangyayari. Maraming salamat po.
Gsk Health Page
No comments:
Post a Comment