Tuesday, December 24, 2019

Gulay

GULAY: PAMPAHABA NG BUHAY - Napaka-Sustansya !
Ni Doc Willie Ong (SHARE po with friends. Sa mga ayaw kumain ng gulay!)

Kaibigan, kapag kumakain ako ng gulay, pakiramdam ko ay umiinom na rin ako ng tableta ng vitamins, minerals, fiber at anti-oxidants. Ito'y dahil sa mga masustansyang sangkap ng gulay.

1. Ang sobrang pagkain ng karne ng baboy at baka ay pinapaniwalaang nakakapagdulot ng cancer, tulad ng breast cancer.
2. Ang pagkain ng gulay ay nakatutulong sa pag-iwas sa Kanser.
3. Ang gulay ay makatutulong sa pagbaba ng cholesterol, pag normal ng pagdumi at pag-iwas sa diabetes at sakit sa puso.
4. Hindi bawal ang pagkain ng gulay sa anumang sakit. Puwede ito sa may high blood, goiter, arthritis, sa buntis at sa bata. Sa katunayan, may tulong ito sa maraming sakit.
5. Ugaliing kumain ng 2 tasang gulay araw-araw para sa iyo at iyong pamilya.

Anong gulay ang paborito mo? Comment below. Kung wala sa listahan, add your favorite gulay.
1) Okra
2) Pechay
3) Malunggay
4) Carrots
5) Patola
6) Baguio Beans
7) Cabbages
8) Spinach
9) Broccoli
10) Monggo Beans
11) Kangkong
12) Shitake mushrooms

No comments: