UPDATE: Patuloy na binabaybay ng Bagyong #TisoyPH ang coastal areas ng #Batangas sa mga oras na ito na inaasahang patuloy na magdudulot ng masungit na lagay ng panahon doon maging sa iba pang bahagi ng #SouthernLuzon kasama ang #MetroManila maging sa #CentralLuzon at sa #NorthernLuzon dahil sa lawak ng sirkulasyon ng bagyo na maaaring magpa-ulan at magdulot pa rin ng malalakas na bugso ng hangin.
Sa ngayon ay taglay pa din ng bagyo ang malakas na hangin na umaabot sa 150 kph at pagbugsong umaabot sa 215 kph... Inaasahang kikilos pa din ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kph. Bagama't nakailang beses nang maglandfall ay hindi ito kaagad agad na mapapahina si TISOY dahil mga isla ang kanyang binabaybay means dumadaan din sa dagat ang kanyang sentro kaya nababawi niya yung lakas na naibuhos nya sa kalupaan.
Mamayang hapon o sa gabi posibleng nasa West Philippine Sea na ito at dahil malakas na ang Hanging Amihan doon na ayaw na ayaw ng bagyo ay inaasahang hihina na ito.
Samantala, Asahan naman ang unti-unting pagganda na ng panahon sa #BicolRegion na nauna nang binayo ng bagyo kagabi.
No comments:
Post a Comment