Friday, April 12, 2024

Kusa

 Isang lalaking pintor ang hiningan ng pabor na pinturahan ang isang bangka.

Dala niya ang pintura at mga brush at nagsimulang pinturahan ang bangka ng matingkad na kulay PULA, gaya ng hiling ng may-ari.

Habang nagpipintura, napansin niya na mayroong maliit na butas sa katawan ng bangka, kaya't tahimik na inayos niya ito at tinapalan.

Nang matapos siyang magpintura, kinuha niya na ang kanyang bayad at umalis.

Kinabukasan, pumunta ang may-ari ng bangka sa lalaking pintor at nagbigay ulit sa kanya ng perang nakasobre, na di hamak na mas mataas kaysa sa bayad sa kanya nung matapos siyang magpintura.

Nagulat ang lalaking pintor at sinabi, "Binayaran nio na po ako sa pagpipintura ng bangka nyo Sir!"

"Pero hindi 'yan para sa pagpapintura. Ito ay para sa pagri-repair mo sa butas sa bangka."

"Ah! Pero napakaliit na serbisyo lamang po nun".. hindi po karapat-dapat na bayaran niyo ako ng ganyan kalaki para sa isang butas lamang."

"Kaibigan, hindi mo naiintindihan. Hayaan mong ikwento ko sa iyo kung ano ang nangyari."

Nang hilingin ko sa iyo na pinturahan ang bangka, nakalimutan ko na sabihin sayo ang tungkol sa butas.

Nang natuyo ang bangka, kinuha ng mga anak ko ang bangka at nagpunta sila sa isang palaisdaan.

Hindi nila alam na may butas ang bangka. Wala ako sa bahay noong oras na 'yon.

Nang bumalik ako at napansin kong kinuha nila ang bangka, ako ay desperado dahil naalala ko na may butas iyon.

Isipin mo na lang ang aking galak at tuwa nang makita ko silang ligtas na bumabalik mula sa palaisdaan.

Pagkatapos, tiningnan ko ang bangka at napansin kong inayos mo pala ang butas! Nakita mo ba kung gaano kahalaga ang ginawa mo? Nailigtas mo ang buhay ng aking mga anak! Hindi pa sapat ang aking pera para sa iyong 'maliit' na kabutihan."

Kaya't, kahit sino, kailan o paano. Patuloy tayo na tumulong, manatiling maging mabuti, umiyak sa hirap o galak, makinig nang maigi, at mag-repair ng lahat ng mga 'butas' na iyong makita, dahil hindi mo alam kung kailan nangangailangan ng tulong ang ibang tao sa atin o kung kailan naghahanda ang Diyos ng isang magandang sorpresa para sa atin upang maging daluyan tayo ng pag ibig at kabutihan sa ating kapwa.

No comments: