Jayson: "Ma'am, ipagjo-Jollibee nyo po ako? Parang sobra naman po yata 'yon, ehh nanalo lang naman po ako ehh" *with his innocent face*
Ako: "Ano ka ba? Anong nanalo LANG? Ikaw po kaya ang champion sa mathrathon sa buong Sariaya East, deserve mo naman po na ipag-jollibee kita!"
Jayson: "Di pa po kasi ako nakakapasok ng Jollibee mula nung ipinanganak ako, nahihiya po ako!"
And my tears starts falling down! π
Di ko lubos maisip na ang kausap ko ay ISANG GRADE 1 STUDENT pa lamang na dapat puro laro lang ang nasa isip but then para syang matanda kung makipag-usap because of what he experienced on his life in this kind of age! He is Jayson D. Maghirang, one of my with honor learner π I'm still young to be a mother pero isa sya sa nagpaparamdam sakin na isa na akong ina, sobrang sarap lang sa feeling. ❤
Everytime I see his genuine smile, di ako nawawalan ng pag asa na makakaahon 'to sa kung anong meron sila ngayon! π
One time, napag4litan ko sya kasi oras ng klase nanunuod sya ng TV dun sa canteen ng aming school (kapitbahay lang namin ang canteen), and then biglang sabi nya "Ma'am, sorry po! Di ko na po namalayan na nanunuod na po ako ehh, wala po kasi kaming TV at wala rin po kasi kaming kuryente sa bahay," at kinuwento na nya sakin ang buong buhay nya kasama ang pamilya nya. Bigla akong nanlambot at nasaktan dun sa mga narinig ko π Di ko man makwento ang buhay na meron sya ngayon but I could really tell that the life of this child will inspire you to become strong in facing pr0blems in life yet nagagawa nya pa ring ngumiti!
Matututunan mo rin sa kanya kung gaano ka kaswerte sa buhay at kung gaano mo kailangan makontento kung anong meron ka sa kasalukuyan.
Credits | (FB | Venus Sulit)
ITO ANG BIDYO --> https://bit.ly/3VVbus3
No comments:
Post a Comment