“PWEDE PO BANG TAKE OUT? PARA MAPATIKIM KO DIN PO SA LOLA KO” 🥹🥹🥹
Tagos sa puso ang kwento ng isang netizen na ibinahagi nito sa Facebook patungkol sa 9 year old na ‘itlog-pugo’ vendor na si Joey.
Ayon sa kwento ng uploader na si Darlen Perculeza, tirik na tirik ang araw ng pumasok sa kanilang shop ang bata para mag-alok ng tinda nito.
Narito ang bahagi ng kanilang pag-uusap:
“Bilang makwentong ate, pinaupo ko muna at kinamusta para makapahinga siya.
D: Nasan mama mo? Bakit ikaw nag titinda niyan?
J: Iniwan na po kami, nagaway po sila ni papa
D: eh ang papa mo nasan?
J: Iniwan na po ako, galit po ata sakin kasi lagi ako pinapalo
D: Wala kang kapatid? Sinong nagaalaga sayo?
J: Ang lola ko po may sakit kaya po ako nagtitinda. Ang mga kapatid ko po nagasawa na.
D: Tara kain tayo. Pili ikaw ng gusto mo.
J: Hindi na po, wala po akong pambayad
D: Sige na pili ikaw ako na don
J: Pwede po bang take out? Para mapatikim ko din po sa lola ko.”
Dahil sa nakaka-antig na kwento ng bata, ibinahagi rin ni Darlen ang mga realizations nito sa itinuturing niyang ‘chance encounter’, lalo’t hindi talaga sana sila magbubukas ng shop sa araw na’yon.
“I am once again reminded how blessed we are, tayo, ikaw na nakakabasa nito. Minsan kasi dami nating reklamo, without even realizing how lucky we are with our lives.”
“Sabi nga lagi ng Daddy, kaya daw dalawang kamay ang binigay satin, isa para sayo at isa para sa ibang tao. Always count your blessings. Dagdagan na natin ng, after counting, learn to be a blessing too.“ ani Darlen sa kanyang post na umabot na ng libu-libong reaksyon at shares.
Idinagdag pa nito na pagkalipas ng ilang oras ay bumalik pa ulit si Joey para mag "babye" sa kanya na ngiting ngiti habang winawave ang kamay at paninda.
Dinagsa naman ito ng magagandang kumento mula sa mga netizens lalo na para sa mga kagaya ni Joey na laking lolo/lola.
Courtesy of Darlen Perculeza/ Eats and Treats by Darlen (Facebook)
No comments:
Post a Comment