Monday, April 22, 2024

Utang

 Nagka utang-utang din kami pero hindi ko ginawang dahilan ang wala akong pambayad sa utang bagkus nag sumikap kami lalo para kahit pa unti-unti mka bayad kmi sa mga tao pinagkaka utangan namin.

Kapag marunong ka magbayad ng utang, mararamdaman mo na unti- unti gumagaan ang buhay mo, kahit may utang ka bumubuhos ang biyaya. Pero kapag di ka marunong magbayad ng utang lalo't galit ka kapag siningil ka, mapapansin mo kahit anong pagsusumikap mo hindi ka makaahon, tipong kahit anong kayod mo balewala lng pagod mo.

Ang utang ay biyaya na pinagkaloob sayo, binigyan ka ng taong sasagot sa pansamantalang problema mo at kung sa maliit na biyaya palang, nakikita na agad sayo ang pagkagahaman sa tingin mo yung malaking biyaya darating ba? Mag-isip ka.

BAYAD NA!!!


Thought of the day.

Walang masama sa pangungutang.lahat ng tao napag dadaanan yan. Ang masama ung pagtapos mong mangutang dika mag babayad... 💜

No comments: