REALITY TALK po tayo today. Bakit nga ba? Marami naman ay masipag, matiyaga, masinop. Marami naman ay halos tipirin ang sarili sa luho ..tiyaga sa simpleng pagkain, pananamit at pamumuhay. ...marami ang hindi tatalikod sa pagkakataong makakuha ng "sidejobs" kapag day off ...sabi nga, yung halos araw at gabing trabaho ng trabaho pero bago magkatapusan ang buwan, wala na ni halos pamasahe papunta sa trabaho o pauwi sa bahay.
Marami sa ating mga nasa abroad ang uuwi ng Pilipinas ng walang sapat na ipon para sa ating pagtanda, tanging baon ay magagandang alaala ng kahapon at habang tumutulo ang luha ay tinatanong ang sarili, SAAN AKO NAGKAMALI?
Likas na mabait at matulungin ang bawat Pilipino. Likas ito sa ating kultura. Ito ang ating kiagisnan mula sa ating mga magulang ...ang pagdadamayam at pagtulong sa pamilya ay banal at sagrado. NGUNIT PAANO KUNG ANG PAGTULONG NA ITO ANG HUMAHADLANG PARA TAYO UMASENSO?
Bigay tayo ng bigay ...sustento sa magulang (na kailangang sapat lamang) ...pagpapaaral sa mga kapatid (na kung tutuusin ay di natin obligasyon) ... sagot natin pati handa sa kasal, birthdays at iba pang selebrasyon ng pamilya. Bigay dito ...bigay doon ...tulong tayo ng tulong ...hanggang maubusan na tayo ng panahon ...tumanda .. nagkasakit ...umuwing walang pera. AT ANG MASAKIT, di na rayo umasenso dahil sa pagtulong, di rin umasenso yung ating mgat tinulungan dahil nasanay na sila sa pagtanggap .. o kung umunlad man sila ay mayroon naman silang sariling pamilyang dapat unang bigyan ng kalinga at pagkakataon sa buhay. Bubuo sila ng sariling pangarap .. magsisikap na iangat ang sarili .. mag-iipon ...AND LIKE IT OR NOT, DITAYO KASAMA SA KANILANG PANGARAP.
Ang punto ko dito ay bigyang pansin ang ating mga sarili. MAG-IPON PARA SA PAGTANDA. Huwag umasa sa kalinga ng mga taong iyong kinalinga. Huwag isiping bata pa naman at may pagkakataong magsubi para sa kinabukasan. Paano kung biruin ng tadhana? Nagkauwian ng biglaan ..kung NGAYON ang araw na iyon, SAAN KA PUPULUTIN?
INVEST IN YOURSELF ...Mabuti ng iayos at paunlarin ang sarili bago tumulong sa iba. Put your money where it needed to be. Di masama ang tumulong but do not lose sight of your goal. AND THAT IS TO MAKE A BETTER FUTURE FOR YOURSELF (and your immediate family which include your spouse and children). Madalas, di natin napapansing ang tinutupad natin ay pangarap ng ibang kapamilya .. habang ikaw ay nililipasan na ng panahon ... nauubusan na ng lakas,
May panahon pa para itama ang lahat. Baguhin ang prayoridad .. matutong magsabi ng HINDI at WALA .. matutong TUMANGGI sa hinihinging pabor ng kapamilya at kaibigan. SIMULAN sa pagkakalkula ng pagkakautang. Paano at gaano pa katagal mababayaran. Di na ito dapat madagdagan. PAY OFF ALL DEBTS as aoon as possible ...then SAVE 20% of your monthly income ...yung 80% iallocate na sa gastusin sa Pilioinas. MAG-IPON FOR FUTURE INVESTMENTS. Huwag mangutang para magpatayo ng bahay ...o mangutang ng pambili ng sasakyang pang dagdag kita. Ipuniin mo ang dapat sana ay pambuwanang hulog sa utang at tubo, mas mabilis kang makakaatikha sa buhay. Mas mabuti kung katuwang si mister o misis sa pagkita. Yung tipong kung di man makadagdag ay di na sana makabawas pa sa buwanang iipunin. Palakihin ang mga anak sa reyalidad ng buhay sa abroad ...ipamulat ang katakut-takot na luha at sakripisyo kapalit ng perang kanilang tinatanggap. HUWAG MATAKOT SABIHIN ang lahat ng pagkakautang ...na babayaran mo ito ...na dahilan upang mabago ang halaga ng perang dadaloy sa kanilang mga palad.
TODAY IS THE PERFECT DAY to change our ways ...prioritize .. unahin ang obligasyon (sa magulang at mga anak pati na ang lahat ng pagkakautang)...everything else is secondary (di mo obligasyon ...kusang loob mo lamang ang pagtulong ...dapat pahindian kung makakaapekto sa iyong sariling pangarap). REASSES your goal ...aling pangarap ang idedepende ng direkta sa pag-aabroad. At alin ang pangarap na tutuparin MULA SA NAIPONG PERA sa pangingibang-bayan. Set a REALISTIC DEADLINE to achieve all these. At pagkatapos, UWIAN NA ...at patuloy na paunlarin ang sarili kasama ng pamilya sa Pilipinas.
TANDAAN, WALANG HALAGA ANG PERA KUNG WASAK NA ANG PAMILYANG UUWIAN.
No comments:
Post a Comment