Hindi tama ung gagawa tayo ng plano tapos ay manalangin sa Diyos na gawin Nya ang ating plano. Ang kailangan muna nating gawin ay manalangin at tingnan kung may plano ang Diyos para saatin, un ang susundin natin.
Ang pasayahin ang Diyos ay hindi kasing hirap ng iniisip mo. Anumang oras na handa tayong gawin ang tama at umaasa tayo sa Diyos sa lahat ng ating ginagawa, ang Kanyang biyaya ay kikilos sa ating buhay, at tutulungan Niya tayo ng ayon sa kanyang mga plano.
Minsan God will bring difficult people into your life. Sadya yan di accidente because God wants you to shine brightly. Inaasahan ka ng Dios na maging good influence sa iba, at matutong magpasyensya when they’re complaining, at higit sa lahat to have integrity when they’re compromising in their morals. Have a great day everyone at wag kaligtaan to see the best in other people.
How many plans do we make without regard for the will of the Lord our God? We forget, the plans of man are inferior to the plans of Heaven. But this doesn't mean we should stop making plans. Instead, “Commit your way to the Lord; trust in Him, and He will act” (Psalm 37:5). When we surrender our plans to the Lord, we are in the safest place in the world. We don’t have to worry about tomorrow (Matthew 6:25-34), and we can have peace of mind knowing the will of the Lord will prevail. Amen.
Manalangin tayo: Dios Ama, wala akong magagawa kung wala ka. Inaalay ko ang aking buhay, ang aking mga plano, at lahat ng aking mga gawain sa Inyo. Tulungan Mo akong manalig sa Inyo at magtiwala akong matatangap ang mga biyaya ng Inyong kapangyarihan, karunungan, at kabutihan. Ito'y hinihiling namin sa ngalan ni Hesus na aming tagapagligtas, amen.
No comments:
Post a Comment