Saturday, June 01, 2024

Step

 6 Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas


Step 1

Unang-una, kapag dumating ang ahente (real estate agent) o ang may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang lupa, ang unang kukunin mo ay ang kopya ng titulo.


Sapagkat dapat mag-imbestiga ka sa Register of Deeds. Kapag may xerox copy ka ng titulo ng lupa, pumunta ka doon. Malay mo may mga pasanin (problema) ang lupang yan: nakaprenda, nakasanla, o may ibang nagki-claim. Dapat makita mo iyon. Dapat malinis ang titulo sapagkat ang kopyang yan ay dapat eksaktong-eksakto sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung peke, may pasanin, o kaya may mga problema ang lupa.


Step 2

Kumuha ng Geodetic Engineer para magsagawa ng relocation survey sa mga boundaries upang ma-check kung okay ba ang actual ground. Siguraduhing walang structure o bakod mula sa kabilang loteng lumalagpas sa property na iyong bibilhin.


Step 3

Halimbawa't nakita mo na na wala palang problema at okay ang lahat, mag-eexecute kayo ng Deed of Sale. Kapag nag-eexecute kayo ng Deed of Sale o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan niyo ito pareho, ng nagtitinda at ng bumibili, at ipapanotarized ito.


Step 4

Sa loob ng 1 buwan mula sa notarization, magbabayad ng unang bayad na tinatawag na Documentary Stamps. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbayad ka na ng Documentary Stamps.


Step 5

Pagkatapos nun, ang nagtinda ang magbabayad ng tinatawag na Capital Gains Tax sa BIR. Kapag bayad na, mag-iisyu ang BIR ng Certificate of Authority to Register, isang certification na nagsasabing bayad na ang lahat ng mga taxes at maaari nang ilipat ang pangalan ng titulo sa bumili.


Step 6

Kapag nakita mo na ang Certificate of Authority to Register, dalhin mo ito sa Register of Deeds. Ito ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds na kailangan mong bayaran ang Transfer Fees. Pag nabayaran na ito, kukunin na ng Register of Deeds ang lahat ng dokumento.


Isusurender na ang owner’s copy ng titulo at maghihintay ka na. Kakailanganin mo ng follow-up dahil sa Register of Deeds, medyo tatagal yan. Kaya kailangan ng madalas na follow-up.

No comments: