Saturday, November 02, 2024

Magulang

 Para sa lahat ng mga anak na nagagalit sa kanilang magulang,


Kung mahal ninyo ang mga inyong mga magulang,

makikinig kayo sa sinasabi nila, 

Yung mga payo nila, d'yan ka matututo,

Swerte ka kung pinapangaralan ka pa ng magulang mo dahil ibig sabihin, may malasakit sila sa'yo.


Lagi mong tandaan, 

hindi ka nila pagsasabihan ng hindi maganda kung wala kang ginagawa na nakikitang mali sa kanila, Nasasaktan ka?

 At ang naiisip mong solusyon ay maglayas?


Bago mo gawin 'yan, sana ma-realize mo na yung sakit na nararamdaman mo ay doble ng sakit na mararamdaman ng magulang mo kapag umalis ka. 

Alam mo kung bakit?


Dahil sa kilos mong 'yan, pinapakita mong wala kang takot o respeto sa kanila.

 Pinapakita mong binabalewala mo lahat ng pangaral nila.


Masakit iyon para sa isang magulang na ang tanging hangad ay mapunta ka sa tamang landas.

 Lagi mong tandaan, hangga't nasa puder ka nila, dapat lang na sumunod ka sa kanila.


Lilipas ang panahon... baka ang ginagawa mo ngayon sa magulang mo, gawin din sa'yo ng magiging anak mo. 


Kaya sana ay mauunawaan ninyo mga anak,

Na lahat ay ginagawa ng isang mabuting magulang,

Para sa inyong magandang kinabukasan,

#kapitananglipa

No comments: