Tuesday, November 19, 2024

Pagsisikap.

 Dahil sa sobrang kahirapan, huminto ako sa pag-aaral noong 1988. Lumipat kami ng lugar. Wala kaming sariling lupa at naging tenant kami sa isang bukirin. Bilang panganay na lalaki, kailangan kong tumulong sa aking mga magulang. 


Doon ay natuto ako kung paano maging magsasaka. Tinuruan akong mag-araro ng tatay ko, magdurok, magplantsa ng basakan, maglinis ng pilapil at magtanim ng palay. Natuto rin akong mag-alaga ng kalabaw at kung paano magpanggas o umani ng palay. Kahit lampa ang katawan ko at nakakarit ko ang aking kamay ay kailangan kong gawin para makatulong ako. Natuto akong magtanim ng mga gulay at nilalakad ko lang ang layo patungong bayan at tinitinda ko ito sa palengke pambili ng gas, asukal, asin at tinapay.


Mahirap man pero naenjoy ko ang simple naming buhay kasi natutuwa ako dahil mabilis tumubo ang mga binhing tinatanim ko. Matataba ang mga halaman at marami kung mamunga. May green thumb daw ako sabi ng iba pero nagppray ako para ito maging ganun. Tamang alaga ng tubig at pataba.


Natutuwa ako kapag anihan na dahil ang tataba ng butil ng palay at nilalagay namin ito sa karusa para ipagiling sa bayan.


Maraming mga pugo sa basakan pagkatapos ng anihan at hinahabol ko ito at kalaruan. Masarap din itong ihawin at masarap ang mga itlog nito.


Kapag umulan ay napupuno ng tubig ang basakan at maraming dalag na isda na hindi namin malaman kung saan namin dadalhin sa sobrang dami.


Dumami rin ang alaga naming alagang manok at baboy. Nagtanim din kami ng kasoy at mais. Madali tumubo ang balinghoy, kamote at sitaw. Ang ganda tingnan ng mga upo, ampalaya at kalabasa. 


Nagenjoy ako ng husto pati pilapil ay tinaniman ko ng kutapto at saging. Maraming tumutubong malalaking kabute sa paligid nito. Nagtanim din ako ng balantsong at tahuri. 


Ang ganda nila tingnan sa umaga dahil sa hamog at ganda ng paligid.


Huminto man ako sa pag-aaral noon ay marami naman akong natutunan sa bukid kung paano mag-alaga ng hayop at halaman.


Kaya pagkaraan ng maraming taon, nang nakatapos ako at nakapagtrabaho ay bumili ako ng anim na ektaryang bukid para gawin ko uli ito hanggang sa aking pagtanda. To God be the glory!


#proudmagsasaka


@Landing, San Vicente, Palawan

No comments: