Nung bata pa ko lage kong sinasabi na hnd ako anak ng mama ko! Ni wala akong memory na nagkaroon ako ng masayang birthday. Kahit na maaasahan naman ako sa bahay noon! Nung nagrebelde ako at nagkaron ng chance na magusap kami ng nanay ko sabi niya sa akin "kaya hindi kita tinututukan kasi malakas ka, akala ko kaya mo magisa". Bago mag pandemic naospital ang mama ko! Inasikaso ko siya sa ospital. Gawain sa bahay at sa ospital pinagsasabay ko! Nung nakikita ko na nahihirapan siya chineer ko siya sabi ng mama ko sa akin " kahit lagi kitang inaaway nandito ka" sabi ko sa mama ko "siyempre mama kita kaya magpagaling ka kasi mag aaway pa tayo ng maraming beses". Hindi ako perpektong anak! Nasaktan man ako ng mama ko, alam ko mas nasaktan ko siya nung nagka anak ako ng maaga. Pero kahit ganon naranasan ko noon, hindi ko ipagpapalit ang mama ko sa kahit na kaninong mama sa mundo! Ibibigay ko pa nga ang kalahati ng lakas na meron ako humaba lang ang buhay niya. Hindi lahat ng relasyong magulang at anak perpekto pero kung lalawakan natin ang isip natin makikita natin ung pinakamaliit na bagay na sakripisyo nila para sa ating mga anak nila!
No comments:
Post a Comment