10 KURYENTE TIPID TIPS
Ito ang ilang #tipidtips para makabawas din kayo sa kuryente expense nyo:
1. Unplug - kapag hindi kailangan at walang nagamit, hugutin ang mga nakasaksak. Charger, TV, Electric Fan, Rice Cooker etc.
2. Use LED lights - malaking tipid talaga kapag lahat ng ilaw sa bahay ginawang LED.
3. Invest on Inverter Appliances -okey mag invest sa inverter appliances lalo na sa Aircon.
4. Electric Fan muna - if hindi pa inverter ang aircon ninyo at malamig pa naman ang weather, huwag muna mag aircon. Kung mainit naman, pwede mag suot ng mga light clothes, buksan ang bintana or gumamit ng pang cover sa mga direct sunlight na part ng bahay para bawas init.
5. Iron clothes in bulk - huwag paisa isa ang plantsa ng damit. Ischedule yan at okey magplantsa kapag hindi mainit na part ng araw early morning pinaka ok.
6. Think of Alternative - mag isip ng mga ways paano gagawin ang mga bagay without the use of electricity. Baka pwedeng magbukas muna ng bintana at kurtina instead na mag bukas ng ilaw or sa labas mag muni muni the best ito lalo kapag may duyan kayo sa labas 😉
7. Solar power - if may budget mag invest sa solar panels or gumamit ng mga bagay na solar powered na.
8. Intentional Design - kung magpapagawa pa lang ng bahay, isiping mabuti anong pwedeng source na natural light and etc.
9. Proper care to appliances - huwag hayaan na makapal ang yelo ng freezer, o kaya grounded ang ilang wiring. Ipagawa agad dahil may effect din yan sa kuryente bills.
10. Turuan ang buong pamilya mag conserve - mahirap kapag ikaw lang ang nagtitipid sa paggamit ng kuryente. Magandang ma-orient pati ang mga kids bakit kailangan mag save ng electricity hindi lang dahil sa budget kundi para maging good steward din tayo ng environment. 🙂
I hope makatulong po itong tips na ito sa inyo!❤
ctto
No comments:
Post a Comment