Sa mga kandidato sa senado, sila manok ko.
I have five stupid reasons not to vote for them.
Si Dating Senador Kiko Pangilinan ay food security ang adbokasiya. It’s not a sexy advocacy, pero food is life ika nga and our farmers have rarely been given the support they deserve. Kung gusto mo ng mataas na presyo ng pagkain, lagi nalang tayo mag-import ng bigas at galunggong, at gawing sudividision ng mga Villar ang ating mga sakahan at taniman na bumubuhay at nagpapakain sa atin, huwag iboto si Kiko.
Si Bam Aquino ang principal author ng free college education law na nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng state colleges at universities. Edukasyon at kapakanan ng mga kabataan ang adbokasiya niya. Matalino, valedictorian nung nag-aaral at mahilig mag-aral. Syempre, in din siya sa trends sa mundo pagdating sa edukasyon at skills na kakailanganin ng mga anak natin para maging competitive at world-class. Kung gusto ninyong magpatuloy ang education crisi at lumaking mangmang ang mga anak ninyo, huwag iboto si Bam.
Si Heidi Mendoza naging state auditor ‘yan at commissioner ng COA. Alam niya yung pasikot-sikot pagdating sa budgets at paggastos sa kaban ng bayan. Hindi mo ‘yan maiisahan kahit anong tumbling pa ng pulitiko sa paggasta. Kalaban ng korap. Pero kung gusto mong patuloy ang nakawan at korapsyon sa gobyerno, yung bumabaha ng confidential funds, yung mga bilyon ang project cost ng tulay, kalsada, flood control at kung anu-ano pa pero ni walang rebar yung ginawa, don’t vote for Heidi.
Si Atty. Luke Espiritu at Ka Leody De Guzman. Mga labor leader simula’t sapul. Laman ng kalsada, kasama sa mga picket at welga. Tinik sa tagiliran ng mga abusadong kapitalista dahil kapakanan ng manggagawa ang ipinaglalaban nila. Pero kung okay ka na sa kakarampot na minimum wage, yung wala kang job security dahil sa endo, at kung type mo na inaabuso ang mga manggagawa, huwag silang iboto.
Si Roberto “Ka Dodoy” Ballon. Da who? Mangingisda at Ramon Magsaysay Awardee lang naman. Akalain mo yung halos maubos na yung isda at tao sa lugar nila sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay dahil sa pagkasira ng dagat, pero nagawa nilang buhayin muli ang karagatan at magbalik ang mga dating taga-doon dahil mayaman na muli ang dagat. Imagine kung mai-translate bilang batas yung mga kaalaman ni Ka Dodoy sa sustainable fishing practices, ang laking epekto nito sa yamang dagat natin. Pero kung ayos lang sayo na unti-unting maubos at masira ang karagatan natin dahil sa mga pesteng reclamation projects at marami ang mapahamak tuwing may storm surge dahil sa pagkasira ng mga mangrove forests, ‘wag iboto si Ka Dodoy.
No comments:
Post a Comment