Sunday, January 19, 2025

Malunggay.

 Blockbuster ang tanim kong Malunggay sa tapat ng bahay kaya nagtanim na lang ako sa balde na nasa rooftop para hindi ako mawalan ng supply 😊 


Sa mga gustong magtanim ng Malunggay sa container, 


1. Ang lupa ay dapat walang ammendments o walang halong ricehull, cocopeat o pampabuhaghag. Kapag malambot ang lupa, madaling gumalaw ang sanga at hindi magtutuloy sa pag-ugat.

2. Magtanim ng katamtamang taba lang sanga para hindi agad mapuno ng ugat ang container.

3. Haluan ng vermicast o animal manure ang lupa.

4. Palipasin muna ang 1 buwan pagkatapos magtanim saka simulan ang pagdilig ng FPJ o iba pang pataba na mataas ang nitrogen.

5. Regular na mag-ani ng mga dahon. 


#donbustamanterooftopgardening

No comments: