Tuesday, January 28, 2025

Urban gardening.

 10 RULES SA URBAN GARDENING

1. Huwag kang magtatanim ng gulay na hindi mo naman kinakain. Halimbawa, kung hindi ka ka kumakain ng Alugbati, pero nagtanim ka dahil nagagandahan ka lang sa kulay ng tangkay, paano mo mararamdaman ang iyong fruit of labor kung hindi mo lulutuin.

2. Kung ano ang madalas mong gamitin sa kusina, yun ang itanim mo. Mahilig ka ba sa Pechay o Kangkong o iba pang gulay ay unahin mong itanim. 

3. Magtanim ka for family consumption, kapag may sobra, ibenta mo para maging sustainable ang garden mo. Ang mapagbebentahan ay budget mo na sa pambili ng pataba, buto o iba pang gamit sa garden.

4. Pag may huminging kapitbahay, bigyan mo sa una at pangalawa. Sa ikatlo, bigyan mo pa rin pero samahan mo na ng butong pantanim. Dapat hindi siya masanay sa puro hingi. Pero depende na yan kung gaano mo ka-close nag kapitbahay mo.

5. Ipost sa social media ang mga picture at video para baka sakaling makaimpluwensiya ka sa iba na magtanim na rin.

6. Laging sumubok ng iba ibang klase ng gulay na gusto mo.

7. Be organic. Huwag gumamit ng synthetic fertilizers and pesticide. Tandaan na ikaw at ang pamilya mo ang kakain. 

8. Maagang bumisita sa garden. Doon ka dapat sikatan ng araw sa umaga. Kailangan mo ng vitamin D. Mag inhale-exhale at least 10 times.

9. Maging masayahin habang nagtatanim. 

10. Laging magpasalamat sa bawat gulay na inaani. 



No comments: