Tuesday, January 28, 2025

Tawad.

Tinigilan ko nang tumawad sa palengke... 


Read why...πŸ‘

Ang turo sakin dapat daw pagtumawad ako, kalahati.πŸ’°

Kaya dati kung makabarat ako dati kala mo wholesaler ako eh tapos ilang piraso lang naman bibilhin.πŸ˜‚

Pero recently, tinigilan ko nang humingi ng discount πŸ€—

Dati kasi bumili ako sa palengke ng prutas.

Tapos pagkabayad ko ng 150 sa tindera, nilagay nya yung 100 pesos sa belt bag nya, tapos yung 50 pesos sa anak nya na naka-uniform. πŸ‘§πŸ»

Sabi ng tindera:

"Thank you maam Buena mano ka! malelate na nga yung anak ko kaso wala pa kong benta kanina... 

buti dumating ka may pamasahe na sya papuntang school."


πŸ₯Ή

Simula nun, napaisip ako yung mga

Pabente-bente or ₱50 pesos na tinatawad ko, hindi ko naman yun ikakayaman.πŸ˜…

Pero sa kanila malaking bagay na, pang-araw-araw.

Pangbaon na ng anak or pangbili na sana nila ng bigas. πŸ§‘‍πŸ§’‍πŸ§’

Narealise ko sa restaurant, madalas bigay tayo ng tip kahit mahal na ang bill. 

Pero sa mga nagsstart palang at maliliit na negosyante , kung sino yung mas maliit ang kita, todo-tawad tayo. 

Bilang nagbuBusiness din, naranasan ko din yung struggle sa bawat benta. 

Lahat ng kita may pupuntahan—pangbayad ng bills, tauhan, o pangikot sa puhunan. 😨

Kaya the next time, kung kaya naman ng budget natin, wag na tayong humingi ng tawad...

Tutal wala din naman tayong kasalanan sa kanila, char! πŸ˜‚

Hindi to dahil nakakaawa sila or what, kundi respeto sa kapwa naghahanapbuhay. 

Hindi sila nanglilimos, hindi sila tamad, at patas silang lumalaban para sa pamilya πŸ’ͺ

Support the grind, value their hustle. 🫢


No comments: