Tuesday, March 08, 2022

Tanong

 Q - Byuda po ako, may mga pamilya na ang mga anak ko. Maginhawa po kami sa buhay kasi may mga negosyo ako. May nanliligaw po sa aking mas bata talaga at hindi kasing yaman namin. In fact, poor. Gusto ko po sana sya pero ayaw ng mga anak ko. Lolokohin lang daw ako. Please advice?


A - 1. Bukod sa talagang concerned ang mga anak mo sis, baka naman pino-protect lang nila ang mamanahin nila?

2. Yan ba namang edad nyo na yan, after all you've done, ay maloloko pa kayo ng bata?  Kung makuha man nya ang gusto nya, yun naman siguro ay dahil "pinayagan" nyo na rin kasi may kasiyahan naman kayo.  Eh ano namang may makuha ang bata kung may ligaya naman kayong tinatamasa?  Basta alam nyo ang limit at hindi kayo "maloloko" to the point na maubusan kayo ng assets! Ano ba ang gusto nyo, walang nakakapanloko pero wala rin kayong ligaya?  O may nakakapanloko ng konti pero may ligaya naman kayo? Bayad baga?! Ganun lang naman ang buhay. Sa kalagayan nyo ba namang may edad na kayo, byuda at baka nga lola na, ay umaasam pa kayo ng dalisay, busilak at tapat na pag-ibig ng isang binata? Be realistic, sis.

3. And who knows, baka naman talagang busilak ang hangarin ni Totoy?


- Ed Lapiz

No comments: