Saturday, March 12, 2022

Pintas

 ⁉️

PININTASAN MO yung pagsuot nya ng high heels sa PAGTINDIG nya sa ENTABLADO NG DEBATE.


Pinintasan mo rin yung pagyapak nya ng NAKA PAA na lang PAGTAPOS NG DEBATE.


NGUNIT hindi mo nakita ang HALAGA ng PAGHAHANDA nyang humarap sayo ng DISENTE, MAAYOS at KARESPE-RESPETO ayon sa posisyon na kanyang inaaplayan sa bayan mo. Hindi drama o showmanship yun kundi PROPESYONALISMO.


Hindi mo rin nakita yung KASIMPLEHAN ng suot nyang sapatos. Hindi flashy ang kulay at wala rin ginto, dyamante o anumang palamuti. Showmanship? Malinaw na hindi.


Hindi mo rin nakita na nung tinanggal nya ito at lumakad ng naka paa, HINDI NYA ITO PINABITBIT SA IBA kundi sya mismo. Drama kamo? Bakit nya ipapabitbit sa iba kung kaya naman nyang bitbitin ng mag-isa?


Palagay ko hindi mo rin naisip na yung sapatos nya ay HINDI rin naman NANGGALING SAYONG BULSA. 


Anong karapatan mong pintasan sya? 


‼️

PINTAS KA NG PINTAS NGUNIT.. 


Yung MELDIFIC na nangolekta ng mahigit na 3,000 NA SAPATOS, kulang na lang higitan pa ang Shoe Mart sa kanyang koleksyon, HINDI MO PININTASAN.


Hindi mo rin kinwesyon kung bakit ang HALAGA NG BAWAT SAPATOS nya ay sapat na upang maihaon sa hirap ang bawat PAMILYANG SALAT AT GUTOM.


Hindi mo kinwestyon kung BAKIT kinailangan nyang KOLEKTAHIN AT SAMBAHIN ang mga ito, kasama ang mga ginto, dyamante at lahat ng palamuting meron ang bawat sapatos nya.


Hindi ka rin nagtaka kung BAKIT LAGING HUMAHARAP syo na SUOT ang kanyang mamahaling sapatos, terno ng makukulay nyang gown at kumikinang na mga alahas. Isama mo na rin ang ultimate hairstyle nya. Kulang na lang magsuot pa ng korona. HINDI NAMAN SYA REYNA ng Pilipinas ah.


Palagay ko hindi mo rin napansin na HINDI NYA KAYANG maglakad ng naka paa o di kaya bitbitin ang sarili nyang sapatos. BAHALA NA lang ang mga ALALAY NYA?


PINTAS KA NG PINTAS NGUNIT...


Hindi mo naisip na GALING SAYONG BULSA ang WINALDAS nyang pambili sa kanyang mala-reynang koleksyon, habang IKAW NAMAN AY NAGTYATYAGA sa isang MUMURAHIN at BUTAS na sapatos dahil NINAKAW NYA ang dapat sana'y PAMBILI MO.


πŸ‘‰ Ang tanong, BAKIT NGA BA HINDI MO KAYANG PINTASAN ang PAMILYANG NAGNAKAW SAYO? 


Bakit sinusuportahan mo pa ang pamilyang gagawin ka lang ulit TAGA BITBIT NG SAPATOS?


HANGGANG DYAN LANG BA ANG DANGAL MO?


Chismisang sapatos ba kamo?

Kaibigan, wag kang bulag.

Wag kang mangmang.

Wag puro chismis.

Mag-isip ka!


☝️πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘ πŸŒΈπŸ’•

.

.

.

#VoteWisely #GisingPinas #Halalan2022

#UsapangSapatos #ChismisangSapatos

#KulayRosasAngBukas

#Kakampink


#NoToBBMSARA #NoToMarcosDuterte2022

#NeverAgain

No comments: