Saturday, March 05, 2022

Mahalin ang asawa mo.

 MAHALIN ANG ASAWA. You know why? Iba pa rin kapag katabi mo ang asawa mo sa pagtulog May tatapik sa likuran o kaya'y hihimas sa tiyan mo para lang makahanap ka ng masarap na tulog. May kaagaw ka sa kumot kapag maginaw na ang gabi. May papatay ng aircon/electric fan sa lamig o kaya'y magbubukas sa sobrang init. May dadantay sa iyo, o mas tamang sabihing, may madadantayan ka, May gigising sa iyo kapag malakas ang hilik mo lalo na kapag umuungol ka na sa bangungot. May magdadala sa iyo ng tubig kapag bigla kang sinumpong ng sakit mo. May masasabihan ka ng kwento ng buhay mo sa maghapon kahit minsan ay nakakatulugan ka niya. Iba pa rin kapag katabi ang asawa sa pagtulog. Mas payapa, panatag at secured ka dahil alam mong katabi mo ang taong nagmamahal sa iyo at minamahal mo. 🥺👩🏻‍❤️‍👨🏻💯❤️


Words by Simpleng Buhay at Inspirasyon


-Inang Wendii 🖌

-SuperMom Diariess 💫


❣️❣️❣️

No comments: