Naalala ko dati ang sabi ng aming professor sa agriculture “Upang manatiling buhay at mataba ang lupang sakahan mo ay kung ano ang kinuha ay ibalik sa lupa,” dati parang isang salita na walang halaga lang sa pandinig, pero noong kami ay naghirap Sa pagsasaka, nalubog sa utang, laging bagsak ang ani, ayaw lumaki ng palay mayat maya naninilaw mayat maya kailangan sabugan ng abono mayat maya nagbabatik batik at nagkakasakit, iisa ang nakita kong dahilan kundi ang sinabi ng professor ko ay tumpak! Ung pinag anihan na dayami sa halip na ibalik sa lupa ay sinusunog namin, masarap mag araro ng walang sagabal, pero napansin ko ang kulay ng tubig ay kung hindi malinaw ay mapula at ang putik ay magaspang! Patay na pala ang aming lupang sakahan!highly dependent na sa abonong komersyal dahil wala ng humus na gawa ng dayami na nilusaw ng microbes, SINUNOG NA NAMIN DAHIL SA kagustuhan na mapa dali ang pagttrabaho! Ang pinag anihan ay kumain ng sustansya mula sa ating lupa at kung atin itong susunugin ay hindi mo na nga ibinalik ay nilason mo pa ang lupang sakahan dahil ang abo ay hindi na magiging Humus kelan man! Magastos at bagsak na ani ay maiiwasan kung maalagaan lang natin ang ating lupang sakahan! Malaking NO po ako sa pagsusunog ng pinag anihan! Kayo po Ano po ang masasabi nyo sa bagay na ito mga kasaka?
No comments:
Post a Comment