Tuesday, July 09, 2024

Ngayon.

 Ngayong ikaw na yung gumagastos... 

Nauunawaan mo na kung bakit hindi nagawang bilhin ng Nanay mo yung tinuturo mong laruan sa tindahan nung bata ka. Sa halip, umuwi kayong may isang de lata ng sardinas na pula at isang kilong bigas na nasa labo. 


Nauunawaan mo na yung sinabi ng Nanay mo na, "Hindi ako tumatae ng pera." Ikaw ngang nakapagtapos, hirap pa, paano pa kaya sila, na diskarte lang ang naging puhunan? 


Nauunawaan mo na ngayon kung bakit kahit nahihiya sila, kinailangan nilang mangutang para may pang-field trip ka o di kaya pambili ng uniform mo. Gano'n nga talaga siguro. Gagawin mo raw lahat sa pamilya mo. 


Sa totoo lang, nasa punto na ako ng buhay ko na hindi ko na pwedeng sisihin ang mga magulang ko sa naging simula ng buhay namin. Trenta na ako sa taon na ito. May trabaho. Para sa akin, sapat nang ginawa nila yung best nila. Gusto ko lang silang i-assure na kami na yung bahala. 


Ngayon mas alam na natin ang pakiramdam, dahil tayo na ang bumubuhat, mas mauunawaan na natin sila. Kung anong eksaktong pakiramdam ang mapunta sa gitna ng pagmamahal at paghihirap. Ngayong mas alam mo na ang mas tama, baguhin mo na ang sistema. 


At tulad nila, gagawin rin natin ang lahat para sa pamilya. 


Magandang buhay✨🌸

No comments: