Noon may itinanim ako na mga sampung puno lang nitong pinya, abay nung namunga daming nawala nong hinog na.. ang ginawa ko imbis na magalit at mawalan ng pag-asa, nagtanim ako ng mas marami pa, sinadya ko talaga syang itanim sa gilid ng kalsada para di na mihirapan ang kukuha kung may aanihin na.. at sadya talagang ang iba ay nahihiya siguro humingi at basta na lang kukuha, yung iba naman syempre nagpapaalam pa bago pumitas at ngayon nga dahil dumami ng dumami ang tanim KO, eto may pagkakakitaan na.
Sa mga magsasaka na tulad ko, habang may bakanting lupa sa malapit sa inyo. Taniman nyu po wag kayo mag alala. Kung napapagod kayo at kala nyu walang balik mga ginagawa ninyo, darating ang panahon may aanihin kayo. Wag tayo umasa sa kung ano andyan dati.. bagkos mag tanim pa kahit anung pweding itanim na may maidudulot na mabuti sayo at sa atin Kapwa.
No comments:
Post a Comment