Sa mga kabataan na naghahanap ng truelove recommended reading ang isang sulat na ito para sa kanyang ina.
Dear Mama,
Alam ko galit ka sa akin dahil nag-asawa ako ng maaga. Dahil doon hindi na ako makatulong sa inyong dalawa ni Papa.
Pinalaki mo kami dahil nagbabakasakaling kami ang aahon sa inyong kahirapan, yun pala gagatong ako sa inyong kadukhaan. Nag-asawa ako ng tulad kong mahirap kung kaya ang sweldo nya ay sa amin lang sapat. Kapag may sakit kayo hindi ako makatulong sa inyo. Minsan ako pa ang nanghihingi sa inyo. Pasensya na Ma, kung nakatatlong anak na ako. Mahirap ang buhay pero kinakaya ko naman po. Lalo na nung nakapasa ang Mister ko na magtrabaho sa malayo. Pakiramdam ko yun na ang umpisa ng pag ahon ng pamilya ko. Sa sobrang daming ginagawa ko sa bahay, wala na akong oras para mag ayos man lamang. Naiinggit nga ako sa ibang ka edaran ko, magaganda ang postura at nagagawa ang gusto. Nakakapag ayos, nakakabili dahil sila ay may trabaho. Habang ako andito sa bahay nakaburo. Talagang enjoy na enjoy nila ang buhay dalaga. Habang ako sa edad na 22, tatlo na ang anak ko... Losyang na losyang, puno n problema at di alam kukuha ng pang gastos kapag nagkasakit ang mga anak ko... Nagkakabaun baon na ako sa utang, minsan nagsusugal na lang. Muntikan na rin akong magbenta ng shabu at magnakaw ng gatas sa grocery store dahil sobrang hirap na ako... Sya nga pala Ma, may problema po ako. Mahirap sabihin pero kayo lang po ang matatakbuhan ko... Ang aking asawa ay may mahal na pong iba. Sabi nya sa akin ako ay iiwan na nya. Ipagpapalit sa isang babaeng may pangarap sa buhay, babaeng kayang ipagmalaki at siguradong hindi daw sila maghihirap sa buhay. Kung alam ko lamang na yun ang kanyang gusto, sana nag aral at nagtapos ako. Para maipagmalaki nya din at hindi isang mangmang na walang alam sa buhay kundi sa kanya umasa lang. Paano ko bubuhayin ang tatlo kong anak? Walang magbabantay kapag sa trabaho ako'y naghahanap? Kahit pagiging tindera ang sahod ko ay di sasapat. Kung nakinig lamang ako sa payo nyo. Hindi ko sana sinasapit ang kalagayan kong ito. Lalo na ng malaman kong wala na rin pala kayo. Matagal na pala kayo ni Papa naglaho sa mundo. Kung sana nakinig ako na abutin ko muna pangarap ko, sana hindi ako nagsisisi bakit sinira ko buhay ko.
Tama ka, ang pag-ibig parang droga, pag nagmahal ka ng sobra mababaliw ka. Pag nagmahal ka ng sobra, buhay mo ay masisira. Kapag sya ang ginawa mong mundo, mawawala ang totoong ako. Kung sana, nakatapos ako at naabot pangarap ko, hindi lang kayo ang magiging proud, maging ako at sa magiging pamilya ko. Na bago ako magpamilya nagawa ko na lahat ng gusto ko. Hindi ngayong malabo na...parang mahirap nang mangarap pa...😓
Kaya sa mga batang nagmamahal diyan. Huwag sana kayong gumaya sa akin
Na kinalimutan ang sarili, pangarap ay isinantabi para sa huli hindi kayo magsisisi.
(ctto)
#pangarapmunabagojowa Nasahuliangpagsisisi
No comments:
Post a Comment