1️⃣ Bisitahin ang www.sss.gov.ph at mag-register sa My.SSS upang maka-generate ng PRN online. Pwede ring gamitin ang My.SSS login sa SSS Mobile App at mag-generate ng PRN gamit ang app.
2️⃣ Mag-inquire ng PRN thru Text-SSS. I-text ang SSS PRN <10-digit number="" ss="">
Kung hindi pa rehistrado sa Text-SSS, i-text ang
SSS REG <10-digit number="" ss="">
3️⃣ Mag-request via email sa prnhelpline@sss.gov.ph
4️⃣ Tumawag sa 920-6446 to 55, 917-7777 o sa Local Toll-Free Services sa 1-800-10-2255-777
5️⃣ Para sa mga Self-Employed at Voluntary members, pwedeng mag-request sa mga Member Service Section (MSS) Counters ng SSS branches. Ngunit kung handa nang magbayad, pwede ring dumerecho na sa tellering counters at doon na kayo bibigyan ng PRN.
6️⃣ Magpa-generate ng PRN at magbayad sa mga selected Payment Collecting Partners na tumatanggap ng PRN. Ipakita lamang ang inyong valid ID.
Note: Kung updated ang inyong mobile number at email address sa inyong SSS records, regular din na matatanggap ang inyong PRN thru text or email.
No comments:
Post a Comment