Ang Oregano (Coleus aromaticus) ay isang halamang gamot na marami at malambot ang mga sanga; mabango at matapang at amoy. Ang mga dahon nito’y nasa 2-3 pulgada ang haba, at maypagkahugis-puso at itsura. Matagal na rin itong ginagamit hindi lamang bilang gamot kundi bilang pampalasa sa mga pagkain. May mga pag-aaaral narin ng ginawa kung saan may mga katangiang nakita sa halamang ito na nagpapakitang may potensyal bilang isang halamang gamot ang oregano.
MGA TRADISYONAL NA GAMIT NG OREGANO :
Nakapagbibigay-ginhawa sa ubo, sipon, at lagnat lalo na sa mga sanggol
Nakapagbibigay-ginhawa sa sore throat o pharngitis
Gamot para sa mga pigsa at pananakit sa kalamnan
Iba pang mga tradisyonal na gamit ng oregano: Gamot sa UTI, sa sore throat, sa sakit ng tiyan
PAANO GAMITIN ANG OREGANO
Maaaring magpakulo ng isang tasa ng sariwang dahon sa tatlong tasa ng tubig, ilaga ito sa 10-15 minuto. Uminom ng isang tasa tatlong beses isang araw para sa ubo’t sipon.
Para sa ubo at rayuma, maari ring gumagamit ng mas matapang na preparasyon. Pigain ang mga dahon ng oregano at uminom ng isang kutsarita ng katas nito, tatlong beses rin isang araw.
Para sa mga pigsa, sugat, o kagat ng insekto, dikdikin ang mga dahon at ipahid ito sa apektadong bahagi ng katawan, isang beses isang araw.
KAALAMAN TUNGKOL SA OREGANO BILANG HALAMANG GAMOT :
Scientific name: Coleus amboinicus Lour. ; Coleus aromaticus Benth.; Coleus suganda Blanco; Plectranthus aromaticus Roxb.
Common name: Oregano, Suganda (Tagalog); Country Boraage, Oregano (Ingles)
Ang oregano ay isa sa mga kilalang pampalasa o herb na karaniwang ginagamit sa mga lutuin. Ito ay maliit lamang na halaman na gumagapang, ang dahon ay mabalahibo at makatas at may bulaklak din na kulay lila. Kilala ang angking amoy ng halamang ito kung kaya’t karaniwan itong pananim sa mga taniman at ginagamit na pampalasa. Madali itong tumutubo saan mang lugar sa mundo partikular sa India at mga bansang Malaya.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA OREGANO?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang oregano ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang halaman ay may taglay na carbohydrates, proteins, phenols, tannins, flavanoids, saponins, glycosides.
Ang dahon ay kinukuhanan ng langis na may thymol, eugenol, trans-caryophyllene, at carvacrol
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon pangunahing bahagi ng halamang oregano na ginagamit sa panggagamot. Maaaring ito ay dikdikin, ipantapal, ilaga, at inumin na parang tsaa.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG OREGANO?
1. Paso. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat.
2. Pananakit ng ulo. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo.
3. Kagat ng insekto. Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, at tusok ng alupihan at alakdan.
4. Hika. Ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ay mabisa rin para sa kondisyon ng hika.
5. Bagong panganak. Pinaiinom naman ng pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga ina na bagong panganak.
6. Kabag. Mabisa rin para sa kondisyon ng kabang ang pag-inom sa pinaglagaan ng oregano.
7. Pigsa. Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano. Ginagawa ito ng apat na beses sa isang araw.
8. Sore throat. Ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok sa pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
9. Pananakit ng tenga. Mabisa naman na pangtanggal sa pananakit ng tenga ang pagpapatak ng sariwang katas ng dahon sa loob mismo ng tenga
10. Ubo. ang ubo na mahirap gumaling at pabalikbalik ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng oregano. Maaari ding lunukin ang isang kutsara ng sariwang katas ng dahon ng oregano.