Mga dapat gawin para makaiwas sa sakit sa bato.
1. uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw
2. ugaliin ang kalinisan sa pangangatawan
3. dumumi araw-araw
4. huwag pigilin ang pag-ihi
5. isangguni sa doktor ang anumang impeksyon sa lalamunan at balat
6. huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari
7. kumain ng pagkaing masustansiya. Iwasan ang sobrang maalat o matatamis na pagkain
8. magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa loob ng isang taon
9. gawing regular ang pag-eehersisyo o araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan
10. kompletuhin ng bakuna ang mga bata. May mga sakit na nakasisira ng ating bato na maaaring mapigilan ng pagbabakuna
11. iwasan ang paninigarilyo at mga nakakalasing na inumin
12. uminom lamang ng gamot kung may payo o preskripsyon ng doctor
13. kung nais uminom ng herbal supplement, kumunsulta sa dokto
14. ugaliin ang taunang pagpapasuri ng ihi
TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat po.
Please share. Thank you.
No comments:
Post a Comment