Peks Man, Tanga Ka Po Talaga Senator Pepsi Sotto.
Una, yaang "Commonwealth" na sinasabi mo ay hindi grupo ng mga bansa na may impluwensya ang America. Ang tinutukoy mo ay ang "British Commonwealth of Nations" na Britanya o UK ang namumuno; at ang mga kasapi dito ay ang mga bansa na hinawakan ng Britanya tulad ng South Africa, India, Australia, New Zealand, Canada, Ireland at ang America ... hindi tayo kasali sa Commonwealth na sinasabi mo. Hindi tayo nahawakan ng Britanya.
Walang "American Commonwealth of Nations", dahil kung tutuusin, ang America ay dapat isang miembro din lang ng British Commonwealth - America being a former British colony, but America was not a member.
Pangalawa, "it is within the authority of the United States to legislate who among the officials in the nations receiving foreign aid are most welcome and who are not welcome". Right nila yun as a Donor Country.
Pangatlo, ang America ay isang "foreign aid/grant endowing nation" at tayo naman ay isang "foreign aid/grant recipient nation" - maliwanag po?
Pangapat, paka-ingat po kayo at baka dahil sa angas nyo eh i-cancel ng US-INS yung Green Card status ng asawa mo, ng mga anak mo at ung mga anak nila sa Tate!
Panglima, kung ang tinutukoy nyo ay ang transitional period for Philippine Independence under the Tydings- McDuffie Law from 1935 to 1945, yan po ay matagal nang tapos na siglo ng ating kasaysayan nang bigyan tayo ng full independence ng America nuong July 4, 1946. Sarado na po yang siglo na yan, there has been ten Presidents since and Tydings McDuffie was not extended by the US Government.
Pang-anim, sa ganang akin ang tinatawag nyong "common wealth" ay yung buwis namin na inyong pinaghahati-hatian na walang pakundangan dyan sa House at sa Senado na para bang kapag naipasa nyo na ung budget, ay 'common wealth' na ninyo ang pinaghirapan naming buwis.
Pam-pito, wala pong gunggong na miembro ng US Senate na mag- aakalang di pa tapos ang Tydings McDuffie Act - di katulad dito na kung hindi failed comedian na nasa Senado, mga 7 hour glitch na Senador na mas mga pulpol ang nakaupo.
Ngayon po ang 'Commonwealth' ay isang mahabang kalsada galing Fairview pababa sa Quezon Memorial Circle, baka yan tinutukoy ninyo?
No comments:
Post a Comment