"13 Reasons why I wanted to quit teaching in Public school"
1. Sandamukal na forms at paperworks, Hindi natatapos ang trabaho sa school lang.
2. Delayed Bonuses (PBB) kahit naisubmit mo naman lahat on time.
3. Walang bayad ang overtime, pero yung mga undertime at late mo bilang nila at pag kumota ka may kaltas ka.
4. Maliit na sweldo, hindi dahil sa loans maliit talaga yon kumpara sa ibang propesyon.
5. Biglaang reports tapos deadline agad kinabukasan yung pressure iba.
6. Trabaho ng ibang Ahensya sayo pa ipapagawa. (pagpupurga, hearing/vision test, nutritional status, earthquake reunification forms, feeding ngayon pati pagtotooth brush nila momonitor mo pa)
7. Ginagawa kang tindera (tray) nakakababa ng moral to, feeling ng mga bata pinagkakakitaan ko sila. patunay jan ang katagang "Teacher ang dami mo ng pera ah, ang yaman mo na."
8. Abono madalas, liit na nga sweldo e padulas ka pa ng padulas (photocopies, pagdedecor ng room lahat ng materials mo gastos mo) minsan pati baon ng estudyante mo.
9. Walang bakasyon. "Akala mo lang meron" estudyante lang meron nun. (SLAC, INSET, SummerCamp, Brigada Etc.)
10. Mga toxic na co-teachers, kung hindi sipsip, tsismosa, plastikada yung iba inggrata bakit kaya hindi pagtuturo ang atupagin nila?
11. Tatanda kang dalaga/binata sa trabaho at paperworks pa lang ubos na oras mo la-lovelife ka pa?
12. Mala-forever ang promotion. kung di ka magma-masteral abutin ng 20years bago maging teacher II. Kaya kahit may edad ka na mapapa-enroll ka na lang talaga sa Graduate school.
13. We are less valued in our country. Kaya maraming nag-aabroad bukod sa malaking sahod, dun papahalagahan ka, kase sa ibang bansa "Teacher ka!" hindi "Teacher lang".
Marami pang ibang dahilan, pero 13 lang nilagay ko para sunod sa netflix series na pinanonood ko.
Nakalulungkot lang isipin na yung pangarap na binuo ko, unti-unting nagiging bangungot sa paningin ko.
Yung apoy ng damdamin sa propesyong ito tila nawawala matapos ang limang taon ko sa serbisyo.
Mahal ko ang mga bata at mag-aaral ko, pero bakit ganun tila nawawala ang pagmamahal ko para sa sarili ko.
Credits to Mr. Ryan Capucao
No comments:
Post a Comment