I GOT MY FIRST MILLION BY THE AGE OF 21...
Nagsimula sa scratch as in Wala. No capital, just hardworks and determination. I came from poor family, my father died when I was 6 years old. I have 5 siblings, iba iba yung tatay๐
.
Simula nung namatay yung tatay ko, dun ako nagstart mangarap ng malaki. Na sinabi ko sa sarili ko, kailangan at dapat kong maiahon sa hirap ang pamilya ko. Mahirap talaga maging panganay, nasakin lahat ng responsibilidad ๐. Elementary pa lang ako, mahilig na ko magnegosyo, nagtitinda ng candy or kahit anong paraan basta lalago yung pera ko. Dalawang piso lang baon ko nun. At di ko gagastusin hanggang makaipon akong puhunan para makabili ng paninda. Iba na yung utak ko noon pa dahil sa mga kahirapan nadanas ng pamilya ko. Isang kahig, isang tuka. Minsan kamoteng kahoy lang tanghalian namin, nag uulam ng toyo at mantika.
Nung College ako, nagkainterest ako sa Online business. Pinag aralan ko sya, paano ba kalakaran, nag observe ako pano ako makakabenta. Nagstart akong magbenta nung Second year College ako, Kasi kinakailangan na rin dahil wala ng susuporta sa pag aaral ko. Kaya kailangan ko suportahan yung sarili ko. Sa pamamagitan ng pagbebenta online, nakapagtapos ako ng pag aaral. Ako lahat ng nagbabayad ng tubig, kuryente, rent ng bahay, lahat ng expenses sakin. By the way, meron akong napakasupportive na boyfriend na tumutulong sakin sa pagpapatakbo ng munting negosyo. Siguro sya yung binigay ni Lord pra makatulong sakin na maabot namin to pareho.
Paano ba namin na achieve ito?? Di kailangan ng puhunan sa una. Naging reseller lang ako dati. Payment 1st ako sa mga customer ko, magbabayad muna sila bago nila makukuha yung item, so yung ibabayad nila ayun yung ipangpupuhunan ko. Sa simula syempre mahirap maghanap ng customer, pero nagamit ko dito yung skills ko , Business Ad major in Marketing Management yung course na natapos ko. Alam ko kung ano yung kiliti ng mga customer, alam ko kung ano yung gusto nila, at parang laging tama yung nasa isip ko ano ang magtrend. So meaning, alam ko kung mabenta ba o hindi. Yun yung naging advantage ko. Napaikot namin yung pera hanggang lumago, nagkaroon kami ng sariling Physical store, nandun lahat ng paninda namin. Di na rin ako naghanap ng trabaho. Nagfull time na lang ako dito sa business namin. Mas malaki naman po ang kita dito kesa magtrabaho ako๐.
Kahit malaki yung expenses namin dahil nasakin lahat ng lima kong kapatid , ako lahat nagpapaaral, di ako pinabayaan ni Lord. He is my Provider, He blessed me more than I need.
Big achievement na ito para samin. Always remember “Kung kaya ko, kaya nyo rin”
Diskarte at tamang paghawak ng pera. Assets over liability. Let your assets pay your liabilities ๐. Kaya ngayon gusto ko muna mag invest kesa bumili ng kung ano ano๐
. Yun lang po, sana nainspire kayo๐ at wag susuko sa buhay๐.
No comments:
Post a Comment