Wednesday, June 10, 2020

Rip Anita Linda

Namayapa na kanina June 10,2020, ganap na 6:15 ng umaga, ang legendary actress na si Anita Linda. Kinumpirma ang pagpanaw ng beteranang aktres ni Direk Adolf Alix at ng anak nitong si Franceska Legaspi. Si Direk Alix ang nagdirek ng last movie ni Anita Linda na Circa at napanood sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019. Si Anita Linda na 95 years old, at Alice Lake ang tunay na pangalan, ay isa sa pinaka-matanda sa showbiz. 
Heart failure ang cause of death niya at nakatakda siyang i-cremate bukas ng 2:00 p.m.
#RIPAnitaLinda
#MovieIcon
#ShowbizNGAYON
Salve V. Asis
Adolfo Borinaga Alix Jr.



No comments: