Wednesday, October 02, 2024

Mangyan

 "Naki- pamuhay ako duon sa mga mangyan, tapos ang dami kong natutunan sa kanila. Una kong  natutunan sa kanila yung, kumuha ka lang ng sapat para sa araw.. para naman yung ibang mga kasama natin ay makakain din".


"Nung pumunta ako sa bundok at nakilala ko yung mga mangyan.. nanghuli kami ng isda tapos sabi ko.."alam mo kuya, kumuha kaya tayo ng malaking net para makakuha tayo ng maraming isda para bukas hindi na tayo magugutom".


"Tawa sila ng tawa tapos sabi nila... "Bakit naman po tayo kukuha ng marami eh mabubusog na po ako sa isa lang. Eh bukas naman po nandyan parin naman po yung mga isda..ibibigay naman po ng Panginoon bukas.. baka kapag kinuha natin lahat Ngayon, baka po bukas, hindi na tayo bigyan ng ilog".


"Grabe! Ito yung mga tao na sinasabi nilang uneducated  pero diba! when you talk about education, sasabihin nila uneducated itong mga taong ito but this people, sila yung nagtuturo sa atin na.. hinde! just take whatever what is due you for that day". 

-KARA DAVID

No comments: