Saturday, October 12, 2024

Opinyon

 May nagtanong sakin ano daw opinion ko dito. 


Lahat nman ng marunong magbasa ng price action, chart, movement ng market ay pwede gumawa ng analysis. Ayos lng yan if bumagsak hindi na ako nabbother. Nakita ko nga na nag 4k level ang market, alam mo ba ginawa ko?


Gumawa din ako ng analysis dati ang gamit ko nman is Elliott waves na sinabi ko papunta ng 5k ang market. Babagsak pa pala ng 4k huehue. 😁


Habang nagccomplain ang iba at umaayaw na sa PSE. Bumili ako ng Blue chip stock that time at marami akong sinabihan na yun ang bilhin natin. If matagal ka ng nagfollow sa Page alam mo na kung anong stock yun. Isa yun sa mga stock na nakatulong sakin magpagawa ng 5 floor na bahay. 💖😃


Kaya kung alam nyo petsa pakisabi agad, kahit year lng. Para mapaghandaan natin yan at masalo yun Blue chip na babagsak sa ibaba. Daming pera ang pwedeng kitain sa pagbagsak ng market. Pero kikita ka lng syempre if marunong ka. 😃💪💸


Opportunity yan... Itatanong mo pa ba sakin kung paano ko nasabi? Kasi na experience at nakita ko mismo. Kaya chill lng at enjoy ang trading. 🍀☺️


READ: https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/922993/how-up-mathematicians-detect-potential-stock-market-crashes/story/

No comments: