ANONG MANGYAYARI SAYO PAG KUMAIN KA NG BABOY?
(Longganisa o hotdog na may ASF)
Ans: Mabubusog ka! Pero hindi ka mahahawa! Bakit?? Kasi hindi ka naman baboy! TAO KA!
ANONG KLASENG SAKIT BA ANG ASF?
Ang ASF ay NON- ZOONOTIC disease. Ano yun? Sakit na pang hayop lang pero hindi pang tao! Uulitin ko, hindi pang tao!! Mamamatay ang baboy pero hindi ikaw.. magkakasakit ang baboy, pero hindi ikaw!
Magkaiba ang NON-ZOONOTIC at ZOONOTIC DISEASE
Ang best example ng ZOONOTIC DISEASE ay RABIES.
(Sakit na pwede sa Tao at pwede sa hayop)
BAKIT MO KAILANGAN MAS KUMAIN NG PORK MORE THAN EVER?
Kung may tamang panahon para tulungan ang pilipinas at ang farmers, ngayon yun my friend! Kilala ang ASF na nag wipe out ng baboy sa karamihan ng bansa sa buong mundo! Dahil infected na ang PILIPINAS, hindi na tayo pwede mag export ng baboy at syempre triple ingat sa pag IMPORT at mas maganda kung iwasan!
Anong tamang gawin mo bilang Pilipino?? NOW IS THE TIME! EAT PORK!! Matatanggap ko kung patayin ng ASF ang industriya ng magbababoy (sakit yan eh, wala na akong magagawa), pero hindi ko matatanggap kung mismong tayong mga Pilipino ang papatay sa isa na naman industriya dahil lang sa hindi natin naintindihan na ligtas naman palang kumain ng baboy!
ANONG MAITUTULONG MO SA ASF?
Simple lang, kumain ka kagaya ng normal mong pagkain! Mag food trip ka ulit sa UP at kumain ng ISAW BABOY, umorder ka ulit sa GERRY's ng paborito nyong PORK SISIG at CRISPY PATA, bumili ka ulit sa suki mo sa palengke ng isang kilong liempo.. Wag mong hintayin na sobrang mahal na ng UNLIMITED SAMGYUP dahil sa kakulangan ng PORK sa PINAS. NGAYON, ang taas ng SUPPLY, walang demand. Dadating ang araw, mataas na ang DEMAND, pero wala na tayong supply.
Pls Like and share
No comments:
Post a Comment