😎 HEALTH Tips
😊 Mabaho, Mabantot Na Kili-Kili o Body Odor
Lunas, Gamot at Sanhi ng Pangangamoy
Ang body odor ay ang mabaho o hindi magandang pangangamoy ng katawan.
Normal na nagkakaroon ng masamang amoy ang katawan kapag naghalo ang pawis at bacteria sa katawan. May dalawang uri ng sweat glands ang katawan, at gumagawa ang dalawa ng magkaibang pawis. Wala namang amoy ang pawis ng tao, pero sa pagdami ng bacteria sa pawis at sa ginagawa ng bacteria sa pawis, nagdudulot ito ng mabantot o masamang amoy sa katawan.
Nangyayari ang matinding pagpapawis at nagkakaroon ng body odor habang nage-ehersisyo, kapag mainit ang katawan, kapag ninenerbyos, kapag naiistress.
Nagsisimulang mangamoy ang katawan kapag hindi ito nagawan ng paraan simula sa pagdadalaga at pagbibinata. Nagkakaroon ng body odor sa paa, singit, kili-kili, sa mga parte ng katawan na mabuhok, sa likod ng tainga, at kung minsan ay sa buong balat ng katawan. Nai-impluwensyahan ng kalusugan, kasarian, diet at gamot ang masamang amoy ng katawan. Nangangalingasaw
Mga Sintomas ng Body Odor
Magkakaiba ang body odor sa bawat tao. May mga taong mas malala o hindi gaanong nagpapawis kumpara sa iba.
Ngunit kailangan nang magpatingin sa doktor kapag nararanasan ang mga sumusunod:
· Biglaang pagpapawis ng malala o hindi kasing dalas kagaya ng nakasanayan.
· Nakakaabala sa araw-araw na gawain ang pagpapawis.
· Nakakaranas ng pagpapawis sa gabi ng walang dahilan.
· Nahahalata ang pagbabago sa body odor ng katawann
Sanhi ng Body Odor
Ang dalawang uri ng sweat glands ng katawan ay tinatawag na eccrine glands at apocrine glands. May eccrine glands sa halos lahat ng parte ng katawan at direktang may lusutan palabas ng balat. Ang apocrine glands naman ay nasa parte ng katawan na may hair follicles kagaya ng kili-kili at singit at may lusutan palabas ng hair follicle bago lumabas sa balat.
Naglalabas ng fluid ang eccrine glands kapag tumataas ang temperatura ng katawan, para palamigin ito sa pag-evaporate ng fluid. Ang fluid na ito ay naglalaman ng tubig at asin.
Naglalabas naman ng milky fluid ang apocrine glands habang nasa emotional stress ang tao. Ang mga fluid na ito ay walang amoy hanggang sa magsama ito at ang bacteria ng katawan kung saan sinisira ng bacteria ang pawis.
Ang apocrine gland ang responsible sa pagkakaroon ng body odor o nangangalingasaw na amoy, dahil ang pawis na ginagawa ng gland na ito ay maraming protein na madaling sirain ng bacteria.
Makakatulong sa paggamot ng body odor o masangsang na amoy ang mga sumusunod:
· Paggamit ng antiperspirant. Naglalaman ng aluminum ang mga antiperspirant na tumutulong na sarhan pansamantala ang mga sweat pores para mabawasan ang pawis na balat.
· Paggamit ng deodorant. Nakakatulong ang deodorant na tanggalin ang masamang amoy ngunit hindi nito pinipigilan ang pagpapawis. Ginagawa nitong acidic ang balat na hindi sang-ayon sa mga bacteria. Naglalaman din ito ng pabango para matakpan ang masamang amoy.
Sundin ang mga sumusunod na hakbang para mabawasan ang pagpapawis at body odor:
· Maligo araw-araw. Panatilihing malinis ang katawan gamit ang antibacterial soap para mabawasan ang bacteria sa katawan. Mag-ahit ng buhok sa kili-kili para makontrol ang body odor dito.
· Pumili ng damit na sumasang-ayon sa gawain. Gumamit ng natural fabric kagaya ng cotton o wool para presko sa balat.
· Iwasan ang spicy foods at mga inumin na may caffeine. Mas maamoy ang pawis at mas marami ang pawis kapag kumakain ng curry, garlic at iba pang spicy foods at
pag - inom ng mga caffeinated drinks.
No comments:
Post a Comment