😎 NUTRITION HEALTH Tips
😊 SARDINAS
Pagkaing madalas na inuulam ng mahihirap pero alam mo ba na super sustansiya ito.
Marami ang nagmamaliit sa sardinas (bottled, fresh o delata). Ang sabi ng iba ay pagkain lang iyan ng mga mahihirap at walang sustansiya. Mali po iyan! Sa katunayan, ang sardinas ay isa sa pinakamasustansiyang pagkain sa buong mundo.
Basahin po ang mga ebidensya:
1. May taglay na Omega 3 fatty acids – Ang sardinas ay sagana sa Omega 3 na nagpapataas ng good cholesterol at pinoprotektahan ang ating puso at ugat. Dahil dito, makaiiwas tayo sa atake sa puso at sa istrok.
2. May Coenzyme Q10 – Ang sardinas ay may mataas na lebel ng Coenzyme Q10, isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan.
3. May Calcium – Ang calcium mula sa sardinas ay nagpapatigas ng ating buto. Kapag sasabayan ito ng ehersisyo, mas titibay ang ating buto at makaiiwas sa osteoporosis.
4. May Vitamin D – Ang vitamin D ay tumutulong sa pag-absorb ng calcium ng ating katawan.
5. May Vitamin B12 – Napakahalaga ng Vitamin B12 para sa kalusugan ng ating mga ugat (nerves), utak, at spinal cord. Ang vitamin B12 ay nagpapalakas din ng katawan at tumutulong sa paggawa ng dugo.
6. May Phosphorus – Ang sardinas ay iilan lamang sa mga pagkain na may phosphorus, na kailangan ng ating buto at ngipin.
7. Hindi nakatataba – Dahil mababa sa calories and sardinas, puwede ito sa mga taong nag-di-diyeta. Mataas ito sa protina at Omega 3 na nagbibigay sa atin ng lakas (energy).
8. Mababa sa masamang Mercury – Isang dapat tandaan sa pagkain ng isda ay ang pag-iwas sa mga isda na mataas sa mercury. Ang mga maliliit na isda tulad ng sardinas, dilis, hito, galunggong at bangus ay mababa sa mercury at ligtas kainin. Limitahan lang ang pagkain ng lapu-lapu, sea bass at tuna na may kataasan sa mercury.
SARDINAS NA MAY TOMATO SAUCE:
Para sa masustansyang ulam, piliin ang delatang sardinas na may tomato sauce. Bukod sa lahat ng benepisyo ng sardinas, makukuha din ninyo ang sustansiya mula sa kamatis (tomato sauce). Ang kamatis ay may sangkap na lycopene at beta-carotene na makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, kanser sa prostate at kanser sa bituka.
Kaya mga Tatay at Nanay, para sa healthy na pamilya, huwag nang maghanap ng mamahaling pagkain pa.
No comments:
Post a Comment